"K-Kailangan kong tawagan ang Mama Velouz mo nito, hija. Lagot ako nito." Nauutal na sabi ni Papsy Raphy habang nanginginig ang mga labi. Nanginginig itong nagpipindot sa kanyang cellphone.
"Ano ba yan?! Sige, kape pa more. Yan nagiging nerbyoso este nerbyosa este ewan ko ba!" Sigaw ni Rich na kasalukuuang nandito oa rin sa katawan ni Aldwin.
"T-Teka nga! Maghintay ka lang. Tinatawagan ko na ang Mama Velouz mo!" Sigaw ni Papsy Raphy at pagkatapos ay inilagay ang cellphone sa kanyang tainga.
"Hello!" Sigaw ni Mama Velouz mula sa kabilang linya. Kaya naman ay agad na nailayo ni Papsy Raphy ang cellphone niya mula sa kanyang tainga.
"Hello. Alam mo ba na si Rich ay nandito sa katawan ng alaga ko?!" Natataramtang tanong ni Papsy Raphy habang naginginig na hinawakan ang cellphone niya.
"Huh?! E-Eh, umamin rin sakin tong Rich na kaharap ko ngayon na siya raw si Aldwin!" Natatarantang sigaw na rin ni Mama Velouz mula sa kabilang linya.
"Hindi kaya... Ay! Nagkapalit?!" Sabay na sigaw nina Mama Velouz at Papsy Raphy.
"P-Paano na to?!" Nauutal na tanong ni Mama Velouz.
"Ganito nalang, magpractice sila na kumbaga training sa kung paano sila kumilos sa isa't isa. Si Aldwin bilang si Rich at si Rich bilang si Aldwin." Sagot ni Papsy Raphy.
"Sige, ganito. Pupunta riyan si Aldwin este si Rich na este ewan ko ba! Basta pupunta riyan ang kaluluwa ni Aldwin sa condo mo. Dapat ay sasalubungin siya ni Rich na sumanib este ewan ko ba kung anong term! Basta pupunta riyan ang kaluluwa ni Aldwin sa condo mo kung saan nariyan ang kaluluwa ng anak-anakan kong si Rich!" Naguguluhang sigaw ni Mama Velouz mula sa kabilang linya.
"Sige." Tugon ni Papsy Raphy.
"P-Pero, sila na muna siguro ang magp-practice. Kasi may meeting pa tayong mga managers kasama ang buong production ng "Prestihiyosa" diba?" Tanong ni Mama Velouz.
"O-Oo nga. Sige, papuntahin mo nalang dito yang kaluluwa ng alaga ko." Sabi ni Papsy Raphy.
"Sige." Tugon ni Mama Velouz.
Kasalukuyang nandito na si Aldwin sa harap ng front desk ng building ng condo ng kanyang manager na si Papsy Raphy. Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa katawan ni Rich.
Kasalukuyang naghihintay na si Aldwin ni Rich na nakakilong din sa kanyang katawan.
Maya-maya pa ay dumating din naman agad si Rich na nakakulong sa katawan ni Aldwin. Nakangiti pa itong sunalubong sa kanya.
"Sreco. Komusta?" Pangungumusta kunwari ni Rich kay Aldwin. Kaya naman ay napakunot ng noo si Aldwin sa kany. Kasalukuyang pinagtitinginan na sila ng mga staffs dito sa condo ngayon.
Kaya naman ay agad na hinatak ni Aldwin si Rich. Kasalukuyang nandito na sila ngayon sa labas ng building ng condo ni Papsy Raphy.
"Aray! Ano ba?!" Maarteng sigaw ni Rich na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Aldwin.
"Hoy! Baka nakakalimutan mong ikaw si Aldwin Guerrero? Wag mo nga akong ipahiya sa mga tao!" Nanggagalite sa galit na sigaw ni Aldwin kay Rich.
"Aba! Paano naman kita pinapahiya?" Tanong ni Rich kay Aldwin.
"Baka nakakalimutan mong katawan ko ang dala mo! Ako si Aldwin Guerrero ang pinakapoging artista na kaloveteam mo lang naman. Kaya wag kang kumembot-kembot kung maglakad! Mapagkakamalan akong bakla dahil sa kagagawan mo!" Sigaw ni Aldwin kay Rich.
Ang mukha ni Aldwin ay para bang isang painting na hindi na maipinta na kahit si Leonardo Da Vinci ay hindi na kayang ipinta ang mukha nito.
"Okay, sige. Pero baka nakakalimutan mo ring hawak mo ang katawan ko. Kaya kumembot-kembot ka naman kung maglakad! Wag mokong pagmumukhaing tomboy!" Sigaw ni Rich na ngayon ay parang nilukot na papel na ang kanyang mukha ngayon.
"Sige, dapat ay kukunin mo ang susi ng practice room natin. Sabi ni Papsy Raphy sakin nu g tumawag siya ay kukunin mo raw ang susi ng practice room dun sa front desk." Sabi ni Aldwin kay Rich. Kasalukuyang nasa katawan pa rin ni Aldwin si Rich.
"Sige. Madali lang namang umarte bilang lalaki eh. Ako kaya ang Amethyst of Asia." Tugon ni Rich at pagkatapos ay agad na itong naglakad. Kaya naman ay agad na itong naglakad ngunit agad din naman itong hinatak ulit ni Aldwin pabalik.
"Hoy! Akala ko ba madali lang para sayo ang umarte bilang lalaki? Yun pa nga ang sabi mo sakin kanina eh. Bat ka kumikembot?!" Nanggagalaitw sa galit na sigaw ni Aldwin kay Rich.
"Sige na nga! Auuurrrgghhh!!! Kainis! Puro lang talaga kamalasan ang dala ko sa buhay ko!" Nanggigigil na sigaw ni Rich kay Aldwin.
Maya-maya pa ay agad nang naglakad si Rich at para itong robot kung maglakad. Kaya naman ay ahad itong pinagtitinginan ng mga staff ng condo at ng mga naninirahan rito sa condo building na ito.
Kaya naman ay nasapo nalang ni Aldwin ang kanyang noo dahil sa ginawang paglakad ni Rich.
"Ahmm. Miss, yung susi nga pala na iniwan ni Papsy Raphy dito." Maangas na sabi ni Rich ngunit agad din namang napakunot ng noo ang babae na nasa front desk.
"O-Okay, sir." Nauutal na tugon nung babae at pagkatapos ay agad na nitong kinuha ang susi.
"B-Bat parang may mali kay sir ngayon? Dati ang angas ng dating niya kapag ngumingiti pero bat ngayon ay kung ngumiti si Sir Aldwin ay nagmumukhang timang? Ewan ko ba." Mahinang sabi nung babae at pagkatapos ay agad mang bumalik kay Rich at pagkatapos ay ibinigay na nung babae ang susi.
"Sreco!" Sigaw naman ni Aldwin na papalapit na ngayon kay Rich. Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa katawan ni Rich. Nung lumakad si Aldwin ay agad na pinagtitinginan siya ng mga tao sa kanyang paligid.
"S-Shet! B-Bat ganyan siya kung maglakad? Waaaaahh!!! Nagmumukha akong tomboy!" Sigaw ni Rich sa kanyang isip habang pinapanood si Aldwin na nasa kanyang katawan at naglalakad ng wala man lang kakembot-kembot.
"Sreco. Tara na." Tugon naman ni Rich sa taqag ni Aldwin sa kanya at pagkatapos nun ay agad na rin silang pumunta sa condo ni Papsy Raphy.
Pagkatapos nun ay agad na rin nilang sinimulan ang kanilang pag-eensayo.
Agad na nilang pinag-aralan ang bawat kilos ng isa't isa. Kung ano ang allergies ni Aldwin at Rich. Kung paano makisama si Rich at Aldwin. Saka kung paano sila umiinom ng kape o magbabasa ng dyaryo at lahat.
Pero ang tanong ay magiging handa na ba kaya sila sa bago nilang role aside sa kani-kanilang mga role sa kanilang movie project na "Prestihiyosa"? Handa na ba kaya si Rich na gumanap bilang si Ernest at si Aldwin? Handa na ba kayang gumanap si Aldwin bilang Zhaya at si Rich? Ano sa tingin nyo?
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...