Kasalukuyang nandito na sina Rich, Clifford, Presley, Scott, Mhelca at Aldwin sa sasakyan ni Clifford.
Kasalukuyan pa ring nagmamaneho si Rich habang masamang nakatitig sa kanilang tinatahak na daan ngayon.
Halatang halata na pilit niyang binabalik ang kanyang mga napanood kanina. Habang patagal nang patagal ang kanyang pagmamaneho ay pahigpit nang pahigpit ang pagkakakapit ni Rich sa manibela ng sasakyan ni Clifford.
"B-Besh, kumalma ka lang." Nauutal na sabi ni Presley na kasalukuyang nandito sa shotgun seat habang sina Scott, Clifford, Mhelca at Aldwin ay nasa passenger seat.
"Kalma?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich na agad namang naging sanhi na napakahawak sa dibdib si Presley.
Agad na kumalabog ng napakalakas ang puso ni Presley nung sumigaw si Rich. Kumakalabog na ngayon ang kanyang puso na para bang gustong gustong gusto na nitong kumawala mula sa kanyang katawan.
"Rich, ano ka ba? Kumalma ka nga lang. Pinayagan na nga kitang ibunyag lahat na nagkapalit tayo ng katawan kahit na alam kong tiyak na ikakasira ito ng ating career bilang mga artista." Sabi ni Aldwin kay Rich.
Kasalukuyan pa ring nandito at nakakulong si Aldwin sa katawan ni Rich habang si Rich naman ay kasalukuyan ring nakakulong sa katawan ni Aldwin.
"Humanda siya sakin! Makita ko lang ang pagmumukha niya! Sisiguraduhin kong uuwi siyang putok ang labi at sabog ang mukha!" Nanggagalaite sa galit ni Rich.
"H-Hoy! B-Baka nakakalimutan mong nandyan ka sa katawan ko Rich?! Nababaliw kana ba?! Oo, ikaw nga makukulong kung ginawa mo yun. Dahil ikaw ang nandyan sa katawan ko. Pero maawa ka naman, inaalagaan ko yang pangalan ko." Pagsusumamo ni Aldwin kay Rich.
"Paki." Sabi ni Rich.
"A-Anong sabi mo?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Aldwin kay Rich.
"PAKIhanap ng pake ko!" Sigaw ni Rich at pagkatapos ay inirapan si Aldwin. Pagkatapos ay muli nang itinuon ni Rich ang kanyang atensyon sa daan na kanilang tinatahak.
Pagkatapos nun ay agad ang namutawi ang katahimikan sa loob ng van. Sumanib na ngayon ang espirito ng katahimikan sa loob ng van ni Clifford na kasalukuyan nilang ginagamit na sasakyan.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila na agad din namang binasag ni Scott ang namutawing katahimikan rito sa loob ng van.
"Ahmm... Rich, m-malayo pa yung LJR-FGEN Building. B-Baka gusto mong palitan nalang muna kita sa pagmamaneho. K-Kasi b-baka napagod kana." Nauutal na sabi ni Scott. Bakas sa pananalita ni Scott ang kanyang kaba na nadarama.
Kunakalabog na ngayon ang puso ni Scott ng napakalakas. Kumakalabog na ngayon ng napakalakas at napakabilis ang puso ni Scott na para bang gustong gustong gusto na nitong kumawala mula ss kanyang katawan.
Kinakabahan si Scott dahil baka mabugahan siya ng apoy ng nagagalit na ngayon na dragon na si Rich.
Baka agad siyang mabuntunan ng galit ni Rich dahil sa pangingialam niya sa ginagawa ni Rich na pagmamaneho sa sasakyan ni Clifford.
"Ako? Pagod? Hindi! Hinding hindi ako mapapagod basta't makakamit ko lang ng hustisya sa pagkamatay ng lola ko!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich.
Kaya naman ay agad namang nagkatinginan ang kanyang mga barkada. Bakas na bakas sa mga mata ng kanyang mga barkada ang pag-aalala.
"Ano ka ba, Rich?! Kalma ka nga lang!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.
"Bakit? May alam ka ba sa kabataan ko, Aldwin?!" Nanggagalaite sa galit din naman na sigaw ni Rich kay Aldwin.
"Oo!" Sigaw ni Aldwin kay Rich.
"Ano ba kayo?! Bat ba kayo nagsisigawan?! Tama na nga!" Sigaw ni Presley na ngayon ay pinipilit ng namumuong tensyon ngayon sa loob ng van.
"Ano?! Sumagot ka, Aldwin! Anong alam mo sa kabataan ko?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich.
"A-Ang alam ko lang ay p-pinangakoan kitang pakasalan. At tutuparin ko yun." Nauutal na sagot ni Aldwin.
[You and Me by Julie Anne San Jose is Now Playing]
Agad namang natutop ang bibig ni Rich at biglang napako si Rich sa kanyang kinauupuan ngayon dahil sa isinagot ni Aldwin sa kanyang tanong.
Ang kaninang naririndi na sa sigawan nina Rich at Aldwin na kanilang mga barkada ngayon ay nakatingin na ngayon sa kanila ng may mga nang-aasar na tingin at nakangiti na rin ang mga ito sa kanila ng may mga nang-aasar na ngiti.
Ang kanina namang bakas na bakas sa mukha ni Rich ang nararamdamang galit. Ngayon ay napalitan ito ngayon ng isang bakas na bakas at halatang halata na ngayon sa mukha ni Rich na ito at kinikilig dahil sa sinabi ni Aldwin.
Namumula na ang mukha nito ngayon na halatang halata naman na ang dahilan ng pamumula ng kanyang mukha ay dahil sa labis kilig na kanyang nadarama.
"T-Tumigil ka nga!" Nauutal at tila nagpapanggap na galit na sigaw i Rich kay Aldwin. Pilit nitong tinatago ang kilig na nadarama.
Pagkatapos nun ay muli nanamang namutawi ang katahimikan sa loob ng van. Sumanib nanaman ngayon sa van ni Clifford ang espirito ng katahimikan.
Kasalukuyang namumutawi na ang katahimikan sa pagitan nina Rich, Aldwin at pati na rin ng kanilang mga batkada.
Makalipas ang ilang minuto ay nakikita na ni Rich ang LJR-FGEN Building.
Muli nanamang mas napahigpit ang pagkakahawak ni Rich sa manibela ng sasakyan ni Clifford. Habang si Rich naman ay masamang nakatuon ang paningin sa kanilang tinatahak na daan.
Maya-maya pa ay sa wakas at narating na nila ang LJR-FGEN Building. Agad namang bumaba si Rich sa sasakyan na siyang ginawa rin naman ng mga barkada ni Rich at Aldwin.
Sakto namang bago pa lang bumaba si Yshi sa hagdanan ng LJR-FGEN. Kaya naman ay naglakad na ngayon si Rich patungo kay Yshi.
Lakad-takbo ang ginawa ng mga barkada ni Rich habang si Rich ay napakalaki ng bawat yapak niya na tila gigil na gigil na itong malapitan at parang gustong gusto na ni Rich na pumatay ng tao.
Masamang masama na ngayon na nakatitig si Rich kay Yshi.
"Hoy! Yshi! Walang hiya ka!" Nanggagalaite sa galiy na sigaw ni Yshi. Kasama ni Yshi anh kanyang manager at pagkatapos ay agad na itong pumasok sa kotse.
"Hoy! Yshi! Humanda ka sakin!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich ngunit huli na dahil umandar na ang kotse ni Yshi.
Boom! Boom! Boom!
Literal na nanlaki ang mga mata nila ni Rich, Aldwin, Scott, Clifford, Mhelca at Presley dahil sa labis na gulat na nadarama.
Nanlalaki na ngayon ang kanilang mga mata na halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang mga katawan. Literal na nagmistulang naghugis 'O' ang bibig nilang lahat.
Nakita nilang sumabog ng ilang beses ang sinasakyang kotse ni Yshi na kasama pa ni Yshi ang manager nito. Litetal na naging pira-piraso ang sinasakyang kotse ni Yshi dahil sa labis na lakad ng pagsabog ng kotse ni Yshi.
"A-Akala ko ba si Yshi?! P-Pero bakit sunabog ang kotse niya? S-So, s-sino ba talaga ang nasa likod ng misteryosong tao na nagpapadala sa amin ang banta. P-Paano na to? S-Sino ba talaga?! Magpapakilala kana kung sino ka man?! Ang dami nang pumapasok sa isipan kong mga katanungan ngunit wala man lang akong makuhang kahit na isang matinong sagot mula sa aking mga katanungan! Kaunti nalang at sasabog na ang utak ko sa kakaisip!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich.
Ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ay napaluhod nalang ito dahil sa labis na bugso ng damdamin at sa mga nakikita niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...