Makalipas ang ilang araw ay humupa rin naman agad ang mga nangyari sa kanilang taping sa kanilang movie project ni Aldwin at Rich na "Prestihiyosa" noong mga nakaraang araw.
Kasalukuyang nandito na si Rich sa Euphoria University. Nasa hallway ng third floor siya ng building ngayon kung saan gaganapin ang sinabi ni Aldwin na gang meeting daw nila. Siya pa naman ang supremo sa kanilang gang.
Kasalukuyan nang tinatahak ni Rich ang daan patungong room ng Aklas Gang Room. Siya ang supremo ng Aklas Gang. Kasalukuyan pa ring nakakulong si Rich sa katawan ni Aldwin.
Maya-maya pa ay narating na ni Rich ang pintuan ng Aklas Gang Room. Kaya naman ay tumigil siya sa harap ng pintuan. Sakto rin naman na tumunog ang cellphone niyang dala-dala.
Ang cellphone na kanyang dala ay ang cellphone ni Aldwin. Kaya mas effective ang kanyang pag-arte bilang Aldwin.
Kaya naman ay tiningnan ni Rich ang text. Ito naman ay galing kay Aldwin na ginagamit din ang cellphone ni Rich.
Rich: Hoy! Ayusin mo ah! Aayusin ko rin dito. Saka wag mong kalimutan yung script mo. Kapag mapagkakamalan akong bakla sa mga tropapips ko, yari ka talaga sakin!
Yan ang text na kanyang natanggap mula kay Aldwin. Kaya naman ay napairap nalang ito dahil sa text na kanyang natanggap mula kay Aldwin.
Aldwin: K
Yan ang reply ni Rich sa text mula kay Aldwin. Pagkatapos ay agad nang binuksan ni Rich ang pintuan ng Aklas Gang Room.
Agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang mga nakita. May mga nakatayo na mga myembro ata ng Aklas Gang Room sa bandang kaliwa at kanan sa kanyang daraanan.
Ngunit agad din naman siyang bumalik sa huwisyo at agad na itong naglakad patungo sa lamesa kung nasaan ang mga officer ng Aklas Gang nakaupo.
"Magandang araw, Supremo!" Sigaw ng mga miyembro nung pumasok si Rich at pagkatapos ay tumungo ang mga myembro bilang pagbigay galay sa kanilang supremo na si Aldwin na hindi nila alam na si Rich na pala ang nasa katawan ng kanilang supremo.
Ngunit agad din namang nanlaki ang mga mata ng mga myembro ng Aklas Gang. Dahil nang tingnan nila ang kanilang supremo na itong Aldwin na kaharap nila ngayon ay para itong robot kung lumakad.
Sa pagkakaalam nila ay lumalakad ito ng swabeng swabe ang dating. Kaya naman ay agad na napakunot ang kanilang mga noo.
Maya-maya pa ay umupo na si Rich sa upuan para sa supremo ng Aklas Gang. Nakaupo ito sa pwesto para sa supremo. Dahil si Aldwin ang kanilang supremo sa kanilang gang.
"Magandang umaga, Supremo Aldwin." Sabay-sabay na pagbati ng mga officers kay Rich.
"Magandang umaga sa inyo." Tugon naman ni Rich sa kanila. Ang pagtugon ni Rich sa kanilang pagbati ay tila ba napakamalumanay na para bang dalagang pilipina.
Kaya naman ay agad na napakunot ang mga noo ng officers sa kanilang gang.
Isa sa mga officer ng kanilang gang ay sina Scott at Clifford na matalik na kaibigan ni Aldwin. Pati sila ay nagtaka rin dahil sa inakto ni Aldwin na hindi nila alam na ito pala ay si Rich.
Kaya naman ay agad na umubo si Rich ng isang malalim na tinig para kunin ang atensyon ng mga officer. Agad din namang natuon sa kanya ang atensyon ng mga officers ng gang.
"Narito ako ngayon para sa ating pagpupulong para ngayong buwan. Ang ating plano ay tungkol sa ating paparating na intramurals. Gusto kong magkaroon tayo ng mga booth. Ihahabilin ko na sa inyo ang tungkol sa mga booth. Kayo na ang bahala Scott at Clifford. Ang ating pagp-planohan ay ang mga disenyo ng ating university para sa paparating na intramurals." Sabi ni Rich na nakakulong pa rin sa katawan ni Aldwin.
Binabasa ni Rich ang kanyang script na nasa phone ni Aldwin na dala-dala niya ngayon.
"Shet! Bat wala na?! Shet! Kailangan kong gumawa ng paraan nito!" Sigaw ni Rich sa kanyang isip.
"So, ano po bang ide-design natin sa ating university para sa intramurals? Para na rin mabili kaagad natin ang mg materyales at tutulungan na tayo ng Student Council." Sabi ni Scott. Yung chinito na matangos ang ilong saka moreno.
"Ahmm..." Nag-aalangang tugon ni Rich. Pagkatapos ay bahagya pa itong nag-iisip sa kung ano ang kanyang sasabihin.
"Shet! Brain! Please! Makisama ka naman ngayon! Alam ko na bobo ka pagdating sa mga ganito pero please naman! Kahit ngayon lang! Patay ako ni Aldwin nito kung hindi ako makakaisip ng paraan!" Natataranta nang sigaw ni Rich sa kanyang isip.
"Gusto ko na ang idi-disenyo natin sa ating whole university ay dapat kulay pink. Dapat ang theme ay lollipop na pink at saka mga cupcakes na pink ang mga props bawat entrance ng building. Maliwanag ba? Sinong aangal?" Sabi ni Rich at pagkatapos ay itinaas pa ang kaliwang kilay habang nagtatanong kung sinong aangal sa plano niya.
Ang mga kapwa niya officers naman ay agad na mas nanlaki na ang kanilang mga mata. Nanlalaki na ang kanilang mga mata dahil sa nangyayari ngayon.
Nanlalaki ang kanilang mga mata na halos luluwa na ito mula sa kanilang katawan. Agad na nagkatinginan ang lahat niyang officers.
"W-Wala po, supremo!" Nauutal at sabay-sabay na sigaw ng mga kapwa niya officer.
"Good. Saka dapat ay ang Aklas Gang Room ay kulay pink na rin ang pinta. Ayoko na ng black, maliwanag ba? Kasi nagmumukha tayong imbornal dito!" Sigaw ni Rich na nakataas pa ang kanyang kaliwang kilay.
Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa katawan ni Aldwin. Kaya sa paningin ng kanyang mga kama rito ngayon sa gang room ay nagmumukhang bakla si Aldwin.
"Okay, tapos na ang meeting. Babush!" Sigaw ni Aldwin at pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng Aklas Gang Room.
Iniwan niya namang nakatulala ang mga kapwa niya officer sa gang. Nakatulala ito mula sa kawalan habang nanlalaki ang kanilang mga mata.
Nanlalaki ang kanilang mga mata dahil sa labis na gulat na kanilang nadarama. Nanlalaki ang kanilang mga mata na halos luluwa na ito sa kanilang mga katawan. Nagmistula ring naghugis 'O' ang kanilang mga bibig.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...