Chapter 17

16 5 0
                                    

Kasalukuyang nandito na sina Rich, Presley at Mhelca. Kasalukuyan itong naglalakas na sa hallway ng Euphoria University.

Nagkakatinginan pa rin paminsan-minsan sina Presley at Mhelca. Ang kanilang mga tingin ay para bang may hatid na mensahe na 'Mag-ingat tayo. Dahil impostorang Rich ang kaharap natin ngayon' na tingin.

Habang naglalakad sila sa hallway ay biglang tumunog ang cellphone ni Rich. Agad namang napatingin sina Presley at Mhelca kay Aldwin na kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan ni Rich.

Tinitingnan nila ngayon si Aldwin na nasa katawan ni Rich. Kasalukuyan itong nakatingin sa cellphone niya.

Aldwin: Magkita tayo sa fourth floor ng annex building ngayon din.

Yan ang natanggap na text ni Aldwin mula kay Rich. Gamit ni Rich ang cellphone ni Aldwin upang hindi sila mabuko at malaman ng kanilang mga kaibigan na nagkapalit sila ng katawan.

Kaya naman ay agad na napalunok ng ilang beses si Aldwin dahil sa text ni Rich ss kanya.

"Ahmm. Mga besty, mauna na kayong umuwi ah. Nagtext kasi sakin si Aldwin." Sabi ni Aldwin sa kanila na nagmumukha nang baklang timang dahil sa sobrang pag arte ni Aldwin bilang Rich.

Kaya naman ay agad nanamang nagkatinginan sina Presley at Mhelca.

"Eh, samahan mo na kami." Pangungulit ni Mhelca kay Aldwin na nasa katawan pa rin ni Rich.

"Ayoko ng mapilit. Bye!" Sigaw ni Aldwin na nakataas pa ang kaliwang kilay at pagkatapos ay naglakad na kumikembot-kembot pa.

Kaya naman ay agad nanamang nagkatinginan sina Presley at Mhelca.

"P-Parang sinasaniban ng espirito ng kabaklaan." Nauutal na sabi ni Presley pagkatapos at napairap nalang dahil sa isiping naging kilos bakla na ang kanilang classy na matalik na kaibigan na si Rich.

Saka pinipilit pa nitong kumembot. Hindi katulad nung dati na Rich na kilala nila. Yung Rich na natural lang na kumikembot kapag naglalakad at nagmumukha itong clasy sa pananaw ng ibang tao.

Kasakukuyang nandito na sina Rich at Aldwin sa CR for all genders dito sa fourth floor ng annex building ng Euphoria University.

Kasalukuyan pa rin silang nakakulong sa katawan ng isa't isa. Nagkapalit pa rin sila ng katawan.

"So, komusta ang pagpapanggap mo bilang ako?" Tanong ni Rich sa kanya na nakataas ang kaliwang kilay at naka-cross arms. Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa katawan ni Aldwin.

"Wag ka nga kumilos ng ganyan. Napagkakamalan akong bakla dahil sa kilos mo eh. Umayos ka nga." Saway ni Aldwin kay Rich.

"Oh, bat ikaw din ngayon. Nagmumukha akong tomboy? Umayos ka rin, nagmumukha akong tombot dahil sa kilos mo." Pambabaliktad ni Rich kay Aldwin.

"Bahala na, wala namang nakakakita rito sa atin ngayon eh." Sabi ni Aldwin.

"So, balik tayo. Komusta na ang pagpapanggap mo bilang ang Amethyst of Asia na si Richbell Mercado?" Nakataas kilay na tanong ni Rich kay Aldwin.

"Kanina nagbonding kami sa canteen. Tapos ay nagpresenta akong umorder." Panimula ni Aldwin.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Rich dahil sa sinasabi ngayon ni Aldwin kay Rich. Dahil pati siya ay alam niya sa sarili niya na si Mhelca ang taga order kapag nagbobonding sila saka tamad siya mag order.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon