P R O L O G U E

829 20 0
                                    

RIN P.O.V

Nagbakasyon kami ni mama sa aming probinsya. Wala naman pasok kaya naisipan namin magbakasyon para na rin siguro makapagisip isip kami parehas. Iniwan kami ni papa at sumama sa iba. Hindi naman ako masyadong naapektuhan sa pagalis niya dahil hindi kami naguusap pero si mama...

"Rin..." tawag ni mama sa pangalan ko "kakain na." tumayo ako sa pwesto ko at pumunta sa kung nasaan si mama.

Halata sa itsura ni mama na pagod siya. Physically and mentally ayaw ko nakikita siya na ganyan. Ganon ba epekto kapag iniwan ka ng mahal mo? 
May biglang tumunog sa bulsa ko tinignan ko kung ano 'yon at napangiti na lamang ako. Si kyle lang pala, boyfriend ko siya.

KYLE SHUNGANGET~

Saan ka ngayon? Wala si rin pwede kang pumunta dito ngayon.

Napahinto ako sa nabasa ko. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Rin? May problema ba?" napatingin ako kay mama.

Ngumiti ako at sinabing "Wala,ma."

Matapos kumain hinugasan ko ang pinagkainan at pagkatapos ay nireplyan ko si kyle.

KYLE SHUNGANGET

Anong ibig mong sabihin?

Hindi agad ako nakatanggap ng reply. Tinignan ko ang orasan at 6:59pm na pala. Tumingin ako sa labas ng bintana at tinignan ang kalangitan. Maya maya din ay nakatanggap ako ng reply kay kyle.

KYLE SHUNANGET

Sorry wrong send.

Mas lalo ako nagtaka kaya tinawagan ko siya. Sana mali iniisip ko, sana.

Sinagot niya ito.

[Rin....(who's that?)]

May narinig akong boses ng babae.

So tama nga iniisip ko.

"You're cheating." mahina kong sabi.

[No! I'm not! I swear I didn't-]

"Hindi ko tinatanong. Let's end this."

[What?!]

"Let's brea-"

[Ako ang makikipag break up hindi ikaw! Psh. Ang swerte mo na nga sakin tapos ikaw pa makikipag break up? No freaking way! Ako magsasabi non! LET'S BREAK UP BI***!]

Pagtapos niya sabihin iyon ay in-end call na niya.

Hinayaan ko lang tumulo ng tumulo luha ko. Pumunta ako sa kwarto ko umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan paggising ko medyo masakit ang mata ko. Tinignan ko sarili ko sa salamin at namamaga nga ang mata ko kakaiyak.

Hindi ako lumabas ng kwarto kinatok ako ni mama pero sinabi kong masama pakiramdam ko. Sinabihan niya akong uminom ng gamot at may pupuntahan lang siya saglit.

Tinignan ko ang orasan namin. 4:58pm na, bumangon ako at lumabas ng bahay namin.

"Miss, excuse me..." tumingin ako sa kumalabit sakin.

"Ano kasi...miss...ano..." hindi ko alam bakit hindi matuloy ng babaeng kausap ko ang sasabihin niya.

"Ano ho yon?" tanong ko sa kanya.

Nakasuot siya ng off shoulder at nakapantalon din.

"Naliligaw kasi ako di ko alam kung saan yung bahay namin,hehe." nakayuko nitong sabi.

"Saan ka po ba nakatira?" pagtatanong ko.

"Bahay po." pinanliitan ko siya ng mata sa sagot niya. "Hala sorry sorry di ko po maalala,eh. Ngayon lang po ako nagbakasyon dito. Sorry."

Ehh?

"Address?"

"Hehe di ko din po alam."

Napakunot na lang ang noo ko.

"So pano natin mahahanap bahay mo?"

Napakamot ito sa ulo niya.

"Di ko din po alam. Binalikan ko na yung mga dinaanan ko pero di ko pa din mahanap."

"Ano po ba itsura ng bahay niyo?"

"Hmm, may pulang gate tapos yung pinto brown. Yon lang po natatandaan ko."

Tinignan ko ang oras sa cp ko. 5:17pm kung mahahanap namin agad yung bahay niya maabutan ko pa paguwi ni mama.

Padilim na din delikado kung hahayaan ko lang siya maglakad lakad.

Pero saan ko naman hahanapin ang pulang gate na yon?

Tinignan ko ang babae at may tinitignan ito sa gilid ng bahay namin. Tumingin din ako don at may nakitang berdeng liwanag.

"Ano yung green na light na yon?" saad ko.

"Green? Diba red yon?" napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yon?

"Red? Green ang nakikita ko."

"Ehh? Red yung nakikita ko,eh."

"Huh?"

Tumingin ako ulit sa green light na yon naglakad ako palapit doon pati na rin yung kasama kong babae ay naglakad palapit doon.

Napahinto ako ng lumaki ang liwanag na yon.

"Teka-" tumingin ako sa katabi ko at wala na doon yung babae.

Nasilaw ako sa green light na yon kaya pinikit ko ang mata ko. Maya maya din ay dinilat ko ito. Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong lawa at mga puno. Sa lawa ay may nakaupong babae na kakaiba yung suot.

Bigla na lamang ito lumingon saakin at nanlaki ang mata. Ngumiti ito at lumapit saakin.

"Sa wakas dumating ka na." nakangiti nitong saad.

Huh?

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon