Chapter 1: First Day of School: Lucky or Unlucky?

804 15 4
                                    

First of all, I just want you all to know na first time ko pong magsulat ng story. Kaya pagpasensyahan niyo na po kung 'di man maging perfect sa inyo itong story ko. Kung feel niyo po na parang pangit yung story na 'to, feel free to remove this story from your reading list at 'wag nang magpatuloy pang magbasa sa story na 'to. Sana po magustuhan niyo itong lahat. Enjoy reading :)

P.S sorry sa mga typos :)

Vyeil Angel's P.O.V

While walking in hallway, napansin ko na kaagad 'yung mga chismosa sa school na nag-uusap sa gilid ng corridor.

"Naiinis talaga ako sa mga nerd na 'yan. Ang sarap sakalin. Grrr!"

"Oy, girl 'wag ka namang ganyan. Sakal lang talaga? Pwedi namang patayin na lang natin 'di ba? Ahahahaha"

"Eww! Look at her. Saang planet ba 'yan nanggaling? 'Di ba niya alam ang word na FASHION?"

Isa lang 'yan sa mga naririnig ko sa kanila simula pa noong bata ako.

Oo! They started bullying me noong mga panahong sipunin palang kami.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may naramdaman akong sticky substance sa hair ko. Tinignan ko 'yong kamay ko. And to my surprise, binato nila ako ng itlog.

At kailan pa kaya naging poultry farm itong school na 'to?

By the way, I'm Vyeil Angel Lee, 14 years old, nakatira sa isang bahay, of course. Isang campus nerd. Sila lang nagpangalan sa 'kin niyan.

Papunta na sana ako sa comfort room para ayusin 'yong sarili ko nang buhusan nila ako ng super lamig na tubig.

Nanginig buong katawan ko sa ginaw, sa hiya, at sa galit. Sobra na talaga sila. Naalala ko na naman 'yung mga pangbubully nila sa 'kin.

Kasabay kong bumagsak sa sahig 'yung mga luha ko.

Kailan ba nila ako titigilan? Wala na bang katapusan ang lahat ng ito?

Napatigil ako sa pag-iyak nang may naglahad sa akin ng panyo. "Sino kaya 'tong naglakas na loob na tulungan ako?" Sa isip ko.

Tumingala ako ng kaunti para makita ko 'yung owner ng panyo.

At bam! S-P-E-E-C-H-L-E-S-S ako mga apo. Bakit? Ang gwapo ng kaharap ko. Tao ba 'to o anghel? Grabi tulo laway ko do'n ah. XD

Dae Eun's P.O.V

Nagpalinga-linga ako sa bago kong school nang may narinig akong tawanan doon sa corridor.

Agad akong nagpunta doon para alamin kung ano 'yong pinagtatawanan nila.

"Oh! Bakit ganyan itsura nya?" Sa isip ko.

Mabilis ko siyang pinuntahan. Iniabot ko sa kanya 'yung panyo ko.

"Miss okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"

Nilingon niya lang ako. Di man lang niya ako sinagot.

Dali-dali ko siyang tinulungang tumayo at pinunasan 'yong buhok at mukha niya.

"S-sino ka? B-bakit mo ako tinutulungan? Umalis ka na baka pagtripan ka din nila gaya ko."

Hala! Nanginginig buong katawan niya.

"Don't worry. Umalis na silang lahat."

Tinignan niya lang ako diritso. Blank expression lang nakita ko sa mukha niya.

Inilahad ko 'yung kamay ko sa kanya.

"I'm Dae Eun Jo. And you are?"
"I-I'm Vyeil. Vyeil Angel Lee."

Ang cute ng name niya. Kasing cute niya. Napangiti ako sa 'di ko malaman lamang dahilan. Nawala 'yong ngiti ko nung napansin kong may red mark sa forehead niya.

"Halika. Hatid na kita sa clinic para magamot na 'yang red mark sa forehead mo."

Nag-nod lang siya sa akin. Dinala ko siya kaagad sa clinic.

Vyeil's P.O.V

Andito kami ngayon sa clinic. Wala 'yung school nurse kaya si Dae Eun na lang 'yung gumamot sa akin.

"Ayan tapos na." Sabi ni Dae Eun.
"T-thank you nga pala Dae Eun ha? Naabala pa tuloy kita."
"Okay lang 'yun. Alangan namang pabayaan ko lang na nasasaktan 'yung mga cute na gaya mo."

Oh my gosh! Feeling ko nag-blush ako sa sinabi niyang iyon. Geez

"Ano ka ba? Anong cute? Saang banda naman ng mukha ko 'yung cute?"
"Hahahahahahaha! Nakakatuwa ka talaga. Ang cute-cute mo" sabay pisil sa cheeks ko.

Nag-blush na naman ako mga apo nuh? Deym. :D

"Maitanong ko lang, bakit ba basang-basa ka kanina? Ano bang ginawa nila sa'yo?"
"Trip lang nila." maikli kong sagot sa kanya.
"Trip lang nila? Bakit naman?" Kunot noo niyang tanong.
"Eh kasi nerd daw ako."
"Nerd? Di kaya"

I just shrugged. Ilang minuto ding katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa nang maalala kong may klase pa pala ako.

"Oh my! May klase pa pala ako!"
"Ay, ako din pala. Teka saan ba room mo nang maihatid na kita?"
"Ay naku, wag na. Baka ma-late ka din. Absent ka na nga sa 1st subject mo eh."
"Don't worry. Mabilis naman akong tumakbo. So, saan nga?"
"Room 12."
"Room 12? Eh doon din room ko eh. Tara!"
"Sige." sabay takbo.

----------------------------------
----------------------------------
Hi readers. Ayan po 'yung first chapter ng story ko. I hope nagustuhan niyo 'yung first part ng story. Comment po kayo para malaman ko po kong ano po 'yung dapat kong baguhin sa next chapter. Don't forget to vote :)

The Revenge Of The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon