Pagkatapos pagtabuyan ng lalaking minamahal ay umalis nang Pilipinas si Eunice Gray Lawrence , dala-dala sakanyang sinapupunan ang kanilang anak na hindi man lang maalala ng kanyang asawang si Alexander. Nawalan ito ng alaala at nagka- amnesia at ang pinakanakakatawa pa ay siya lang ang hindi nito maalala, inaasahan niyang kaya niyang ipaalala ang sarili gamit ang kanyang pagmamahal pero hindi, akala niya ay kahit makalimot ang isip ay ang puso hindi. Pero hindi niya naman inaasahang, pag nakalimot pala talaga ang isip, pati ang puso nakakalimot rin. Pagkatapos pagtabuyan dala ang galit at poot sa dibdib, dahil sa imbes siya ang maalala ay ang ex nito ang naalala kesa sakanya at sa magiging anak nila, umalis siya ng bansa at matagal na panahong binuo ang sarili kasama ang anak nilang dalawa.