They said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya nag-atubiling sagipin ito. Wala siyang kamalay-malay na panghihimasukan nito ang dating payapa niyang buhay-estudyante kasama ang natatangi niyang bestfriend na tinamaan ng kasaltikan. Hindi nakatutulong na ang naturang babae ay may pagkalahing kabute na hilig sumulpot sa mga lugar kung saan hindi inaasahan ni Pipay, dahilan para lalo niyang ikalito. Pilit man niyang iwinawaksi ang kakaibang pakiramdam at sensasyon na dulot ng estranghera sa kaniya, tila lalo pa itong nagpapaigting sa kung anong sinasabi ng puso't isipan niya. Will Pipay choose to continue her normal student life withdrawing herself from the taciturn stranger, or will she let herself be engulfed in the confusion she's facing everytime they meet?