"Oh, shit. Pi, ikaw ba 'yan?!" Nanunuksong bungad ni Yaz pagpasok ko ng classroom.
"Naman!" Proud kong sagot. Ang totoo kasi niyan, nagpagising na ako kay kuya bago siya umalis ng bahay kaninang 5:30 sa takot na ma-late ulit.
"So kanino ka nagpagising?"
"Wala! Marunong na akong magkusa. Unahan pa kita, tingnan mo!"
Bumulalas siya ng tawa na ikinabusangot ko. "Ikaw, may kusa? Tangina, kahit lumindol na lahat-lahat, hindi ka pa rin babangon, eh!" Dumakot siya ng potato chips at makalat itong nginuya. Aga-aga, junkfoods na naman. Mabilaukan ka sana!
Naudlot ang asaran namin nang pumasok ang homeroom teacher. "Class, settle down. I have an announcement to make."
"Mamaya ka sa'kin, bwiset ka." Huling banta ko sa katabi ko. Pinakyu niya ako gamit 'yung daliri niyang puro pa latak ng chichirya.
Pare-pareho kaming natahimik at hinintay na magpatuloy si Ms. Fuentes. Nakatayo siya sa harap, bitbit ang ilang folders. Balingkinitan ang pangangatawan nito at medyo maliit din kaya laging napagkakamalang estudyante. Maputi siya't parating mahinhing magsalita.
"Suspended, ma'am?" Basag ni Rick sa katahimikan.
Nabuhayan 'yung mga classmates namin at nasihiyawan pa. Parang mga ewan, amp. Hindi naman bumabagyo para mag-suspend ng klase. Gayumpaman, sumilip ako sa bintana. Medyo makulimlim nga.
"Wala pang isang linggo ng klase, suspension agad 'yung hanap? Hanep 'yan, mga pare tsong." May kalakasang antala ni Yaz bago dumukot ng chips sa bag niya.
"Wala pang isang oras ng klase, pagkain na agad? Hanep 'yan, bhie." Pinandilatan niya ako. Siya naman ang pinakyu ko.
Natatawang umiling si Ms. Fuentes. I just wanted to remind everyone that later today will be our club day."
Doon na nagsunod-sunod ang sigawan at hampasan ng mga classmates namin sa desk. Paano't siguradong wala ng klase mamayang last period dahil 'yon ang oras na kakainin. Nai-announce na nga 'to noong Lunes at nabanggit ni Yaz pero nawala sa isip ko.
Inilatag ni ma'am 'yung mga folders at nakangiting ipinagpatuloy ang sasabihin, "Alam ko namang hindi na lingid sa kaalaman ninyo ang iba't ibang clubs na meron tayo rito sa Chastice, 'di ba?" Sumang-ayon kaming lahat. "Inside these folders are the membership lists for each club. Hindi ko naman nire-require na magpalista na kayo ngayon pero for those na may napili na't sigurado na sa gusto nilang salihan, you may sign-up now."
Akala mo mga toro silang pare-parehong nagsipagsuguran sa teacher's table, isa na ro'n ang magaling kong bestfriend.
"Parang gusto kong sumali sa journalism club ngayon..." Dinig kong usal ng isa kong classmate na hindi ko kilala.
"Mas maganda kaya mag-sports club ngayon, nandoon kasi si Ace, hihi!" malanding saad ng isa pang haliparot kong kaklase.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomanceThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...
![Chasing Forest [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/229708460-64-k401832.jpg)