Kabanata 30

749 42 9
                                    



"Ugh. Kababasa ko lang nito kanina, eh..." Irita akong napakamot sa ulo.


"Psst, Pi!" Nag-angat ako ng tingin sa gawi ni Yaz. Nakaupo siya sa harap, taas ang tatlong daliri. "Anong sagot?"


Mabilis kong iginala ang mata ko sa silid. Nang masigurong abala 'yung proctor sa pag-check ng permit, hinanap ko 'yung hinihingi niyang number.


Hindi ko ugaling mangopya ngunit wala talaga akong kaalam-alam! Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng sagot hanggang sa maubos ang oras.


"Time's up. Pass your test papers to the person in front of you. Starting from the last row, one."


Padabog kong ibinagsak ang ballpen ko at labag sa loob na ipinasa ang papel ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit wala akong naisagot na maayos sa exam, pero ang lala dahil halos thirty percent lang 'yung sigurado akong tama!


"Kinginang subject 'yan, feeling major!" Pag-aalburoto ko pagkalabas namin sa hallway. 


"Buti sana kung nagtuturo, 'di ba? Sana nagtitigan na lang tayo sa exam tutal parati niya tayong binabato ng free time! Sayang tuition!" tugon ni Yaz. Binalik niya sa locker 'yung libro niya at nagpapadyak sa inis.


Imbes na matuwa ako kasi huling araw na ng exam ngayon, nawalan ako ng gana sa out of reach topics ng mga subjects! Nakakaburyo rin kasi aralin 'yung mga hindi naman related sa kurso ko!


"Baka ito pa 'yung bumasag sa straight line of 9 ko, leche!" Padarag niyang sinara 'yung locker.


"As if namang magkakaroon ka ng otso sa grado. Kunwari ka pang hindi nag-aral pero highest sa klase, ulol!" Natawa ako sa itsura niyang parang nalugi. Basta ako, huwag lang makakuha ng line of 7, sapat na. 


"Hindi nga ako nakapag-aral nang maayos dahil kay Storm!" Nilingon ko siya sa pangalang nabanggit niya. Did I miss out something? "Araw-arawin ba naman ako ng aya sa bar, anong aaralin ko ro'n, paano hindi malasing sa sampung tagay?! Alam na ngang kasagsagan ng exam. Tsk!"


"Siraulo, ba't ka kasi pumayag?!" Napalo ko siya sa braso nang 'di oras. Nanisi pa ng iba, may sarili naman siyang desisyon.


"Gusto ko rin kasing mag-unwind, okay?" Bumuntong-hininga siya. "Besides, ang dami kayang gwapo ro'n!" Kinilig siya bigla at inakbayan ako. "Kaso tangina, puro baliko."


Natigil ako sa pagbuklat ng reviewer ko. Para akong nasilaw sa mga formula, luluha na yata ako ng dugo. Yuck! 


"Pumunta ka sa isang gay bar?" gulat kong tanong. 


She crossed her arms in defense. "Hindi ko alam na doon niya ako dadalhin, eh! Saka hindi rin naman ako nagtagal, 'no! Hindi ko kayang sikmurain 'yung pakikipaglampungan nung babaeng 'yon sa kung sinu-sino. Naninindig balahibo ko, balak niya yatang mangolekta ng iba't ibang laway!"


"Ano ba kasing ginagawa sa bar, ha? Alangan namang magdasal kayo ro'n, 'di ba?!" Nailing ako kaya lalo siyang napalabi. "Kung hindi mo kayang mag-stay sa gano'n, edi huwag ka nang sumama. Inaraw-araw ka na nga, pumayag ka rin naman."

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon