Kabanata 29

576 45 9
                                    



Pipay's POV


"Tigil-tigilan mo nga ako, Del Valle."


"Repeat what you just said." Sinundan niya ako hanggang sa makalabas ng kusina.


"Ano na naman?" Nagpanggap akong naiinis kahit sa loob-loob ay nahihiya ako. Hindi ko naman sinasadyang mabanggit 'yon, dumulas lang sa dila ko!


"What are you getting worked up for? I just wanna talk," sabi niya pa.


Sininghalan ko siya ngunit hindi ako sumagot. Ang kapal ng apog niyang magtanong nang ganiyan matapos ng nangyari noong nakaraang linggo!


Siya 'tong biglang aakyat ng ligaw na hindi ko mawari kung seryoso ba o ano, tapos may boyfriend na pala siya?! Akala ko ba babae 'yung natitipuhan niya? Akala ko ba may gusto siya sa'kin?


Nasabik pa ako kagabi dahil sa plano ni Storm, na kesyo bibisita kami rito para mag-review at makikita ko na siya, walang nangyaring matino!


"Kung tutuosin, ako nga 'yung dapat na magalit sa'tin," turan niya. Hindi pagalit ang tono, sadyang seryoso lang. "You've been running away. Did I do something wrong?" 


Natulala ako sa sobrang amo ng itsura niya. Konting kembot na lang at mayayapos na 'yung puso ko. Itigil ang kahibangang ito!


Ilang araw na ba ang nakalipas magmula nang magpakilala siya bilang manliligaw ko, isang buong linggo? Hindi ko naman ginustong lumayo. Kailangan ko lang ng oras para i-digest 'yung pag-amin niyang pati mga magulang ko ay nagulantang.


Kasi tangina, 'di ba? Panay bardagulan lang kami rito tapos may gusto na pala siya sa'kin? Sino bang mag-aakala no'n? Gano'n ba siya magkagusto, nananakit? Sadistang pakshet!


"Edi magalit ka," sagot ko kapagkuwan. Tinalikuran ko siya ngunit mabilis siyang humarang.


"You wouldn't want that." Napasinghap ako sa biglaang paglapit niya. Tumama ang hininga niya sa tenga't leeg ko. "For someone who's completely in-denial, your body says otherwise."


"Feeling close ka kasi masyado. Itigil mo nga 'yan, nauuhaw na ako." Umirap ako at nagtangkang lumayas. Hindi ako makaalis dahil pinagigitnaan ako ng mga bisig niya. 


"Then drink. Gusto mo bang ako pa 'yung magpainom sa'yo?" 


Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. Ano bang nakain nitong babaeng 'to at biglang nag-360 'yung feelings niya para sa'kin?! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot!


"Ayoko, baka lunurin mo pa ako," tugon ko.


I felt her loosened up a little. Napipikon na siguro siya sa pagmamatigas ko. I don't care. Tingin niya ba'y kaaya-aya sa paningin 'yung nadatnan ko kanina pagkarating nila ni Ace? May bigayan pa sila ng teddy bear na nalalaman! Tapos naabutan ko pang naghaharutan sa kusina!

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon