Kabanata 7

720 54 6
                                    


"Pi—"


"ANO?!" Hindi ko napigilang sumigaw. Mataray niya akong tinaasan ng kilay, bakas ang pagkabigla sa itsura. Pinakalma ko ang sarili ko at ilang beses huminga nang malalim. "Ano?" Mas mahinahon kong pag-uulit.


"Anong ano? Nasa'n na 'yung librong gusto mo?" Nadatnan ko na lang siyang nakatambay rito sa school supplies section, bitbit ang paper bag ng mga pinamili niya.


"Wala. Ayoko nang bumili! Tara na nga!" Inis akong naunang lumabas at baka makita ko pa 'yong babaeng 'yon. Hindi na talaga ako makakapagpigil at babakat na 'yung hardbound sa makinis niyang pisngi.


Hindi ko mawari kung bakit ganito na lang 'yung pagbugso ng damdamin ko sa tuwing magtatagpo kami ng landas. Kung hindi ako nalulungkot para sa kaniya noon, heto naman at halos masapak ko na dahil puro kami pagtatalo. It was so strange to the point na pati sa panaginip ko, eh dumalaw pa siya!


"Ano bang problema mo? Bakit ganiyan na naman 'yang itsura mo?" Nakahabol siya sa tabi ko. "Don't tell me, may inaway ka na naman?"


Huminto ako para paningkitan siya. "Hindi ako ang nang-aaway, ako 'yung inaaway!"


"Meron nga talaga?! Ano ba, maya't maya may kaaway ka. Baka mamaya niyan, madatnan ka na lang naming kalansay na, ah!"


"Aba, kung gano'n lang, eh siya muna 'yung aabuhin ko! Kinginang 'yan. Sa bawat puntahan ko, may sumasagabal!"


Hinatak niya ang laylayan ng damit ko bago pa ako makalakad ulit. "Anong pinagtalunan niyo?"


"Ano pa ba, edi 'yung libro! Mang-aagaw siya, nakakainis!"


Hinila niya ako papasok sa Candy Corner. Samu't saring candies at chocolates ang nakahanay sa mga glass containers pero hindi ko magawang ma-excite. Sirang-sira na ang buong araw ko.


"Bakit hindi ka na lang nanghingi ng isa pang stock? Nakipag-away ka pa, kailan ka pa natutong maging war freak?" Sinimulan niyang isa-isahin 'yung mga lalagyan matapos kumuha ng plastic.


"Nauna kasi ako, Yaz. Natural, mababanas ako. Siya pa 'yung may ganang magalit matapos niya akong pagkaitan ng kasiyahan!" Nakakrus lang ang mga braso ko at nakapirme sa iisang pwesto. Kung saan-saan na siya napapadpad sa loob ng shop na 'to, iilan lang din naman 'yung mga customers.


"Pagkaitan talaga? Ang dami-daming ibang libro do'n, nakipagtalo ka pa!" Natatawa niyang taas sa supot ng gummy bears. Ibinigay niya ito sa'kin pagkatapos magbayad.


"Sino ba siya para pagbigyan ko?" Mahihilo na lang ako kakairap lahat-lahat. Maganda nga, ang sama naman ng ugali. Hmph.


"Oh, eh, sino nga ba kasi 'yan? Jusko, Pi. Kasisimula pa lang ng school year, parang ang dami mo nang problema sa buhay. Noong isang araw lang, may nakaaway ka na sa school. May bumangga sa'yo, tapos may muntik pang sumagasa. All within a week. Ano naman next week? Burol?"

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon