Prologo

2.2K 88 5
                                    


"Ma, papasok na po ako!"


Isinuot ko ang pares ng may kalumaang itim na sapatos. Mula sa kinatatayuan, sinuri ko ang mga kasangkapang nakalatag sa mesa. Nang masigurong kumpleto ang mga pinamili ko, madali akong tumungo sa munting panaderya namin.


"Baon mo, Pay!" sigaw ni Mama. Sumilip ako sa bukana at nabungaran siyang abala sa paglalagay ng ensaymada sa supot.


Ginawaran ko siya ng yakap mula sa likod at kinuha ang binalot niya. Ang sweet-sweet talaga ni mama. Uuwi rin naman ako mamayang gabi, pinabaunan pa ako.


"May dala ka bang payong? Mukhang uulan!"


"Naman, Ma! Girl scout kaya 'tong anak niyo!" Nakangiti kong tinanaw iyong pwesto niyang nasa tabi lang din ng tahanan namin pagkalabas ko. Nakapamewang siya at sinenyasan akong lumarga na.


"Daddy, let's buy ice cream!"


Naagaw ng isang batang babae ang atensyon ko. Nasa kabilang sidewalk siya, nakatingala at hawak-hawak ang mga kamay ng sariling magulang. Niyuko siya ng tatay niya at ginulo ang buhok. Hindi ko narinig ang sinabi nito ngunit biglang lumapad ang ngiti niya at nagtatalon.


Wala sa sarili kong nahimas ang tiyan ko nang kumulo ito. Gaano katagal na ba mula noong makatikim ako ng ice cream? Last month? Last year?


Pinara ko ang tricycle na saktong papadaan sa gilid ko. "Kuya, sa terminal ho ng jeep."


Nagbuga ako ng hangin pagkaupo. Karaniwang pahinga at bonding ng pamilya ang araw ng Linggo pero para sa'ming nangangailangang kumayod at kumita, taliwas ito.


Kaya noong mapadpad ako sa isang coffee shop malapit sa unibersidad namin, hindi ko na pinalagpas 'yung oportunidad na mag-apply. Align din naman sa kukunin kong kurso ang trabaho roon kaya pabor sa'kin.


Hindi nagtagal ay nakarating ako sa babaan. Inayos ko ang nakasukbit kong bag na naglalaman ng pamalit na uniporme bago pagmasdan ang pagiging mapanglaw ng kalangitan. Makulimlim ang mga ulap, tila nagbabadya ng malakas na pag-ulan.


Isang banayad at may kalamigang ihip ng hangin ang nagpaampat sa'kin mula sa pagbaybay ng bangketa, kasunod nito ang pagdagundong ng kulog. Napaakap ako sa suot kong jacket at tarantang tinakbo ang coffee shop.


The Hideout.


"Malas! Uulan pa yata," reklamo ni Noah pagpasok ko.


Noah Martinez, ang naging katuwang ko rito sa loob ng dalawang buwan. He became my supervisor, tinulungan akong makapag-adjust at tinuruan ng mga panuntunan nila. Wala pa man din akong karanasan sa trabaho bukod sa pagtulong kay mama sa paggawa ng tinapay sa bahay.


"Wow, snob, ah!" Dinig kong pahabol niya nang dumiretso ako sa restroom para magpalit ng damit.


Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon