Kabanata 19

521 43 4
                                    


"Tatawagan ko lang si tita, bantayan mo muna si Pi."


"I'll stay here, go ahead."


Dahan-dahan akong nagmulat at muling napapikit dala ng liwanag na nagmumula pa yata sa katabi kong bintana.


"Oh, thank goodness. You're awake," mahinahong sabi ni Storm. Mabilis siyang tumayo at inalalayan akong maupo. Pinagbuksan niya ako ng tubig at inabot ito sa'kin.


"Anong oras na?" Taka ko siyang tiningnan nang marinig ang tawa niya.


"Sorry, I was just expecting you to say those usual phrases like, 'Nasaan ako?' or something."


"Siraulo, hindi naman ako naaksidente. Si Forest pa nga 'yung nagdala sa'kin dito, 'di ba?" Nailing ako. I could still remember her hurtful words at the back of my mind. Kung hindi lang ako nag-pass out, I'd have to endure her attitude.


"Yeah, she did. She was literally fuming when we got here. Had another fight?" She sat on the monoblock chair just beside the bed. "Either way, forget it. How are you feeling? Hayaan mo na 'yung kapatid ko, kulang lang 'yun sa lambing."


I sighed and looked around. Kaming dalawa lang ang narito sa clinic, wala 'yung nurse. Mukha bang tipo ni Forest ang lambing? Baka mapa-ew pa 'yon kapag umamba ako nang gano'n. 


"Hey, are you alright? Did she hurt you?" Nangunot ang kilay niya. Lumabas ang pag-aalala sa mga mata niyang bihira mong makikita.


I immediately shook my head. She did hurt me but it was unintentional. Gano'n naman kasi talaga magsalita si Forest, it's up to you if you'll take it personally or ignore her. In my case, I took the former. Naririnig ko pa rin 'yung mga lason niyang salita, nandito pa rin 'yung epekto.


Minutes passed by, nakatitig lang sa'kin si Storm. Hinayaan niya akong mag-isip at iwasto ang utak ko. Ito siguro 'yung isa sa nagustuhan ko sa kaniya, hindi siya namimilit. She'll let you be until you're ready.


"May masakit pa ba sa'yo? Just say so, iki-kiss ko para mawala." I almost bursted out laughing. Sobrang seryoso kasi ng itsura niya.


"Kumikirot." Turo ko sa pagitan ng kilay ko pababa sa tungki ng ilong. Thankfully, hindi na kasing sakit tulad kaninang halos ipukpok ko na 'yung ulo ko sa dibdib ni Forest. 


"I gotchu, hun!" Excited siyang pumikit. She inched closer, puckering her lips. Hinarang ko ang palad ko sa mukha niya na ikinadilat niya. 


"Sorry, hindi ako mahilig sa mga babae." I smirked when she made a face. Nananaray niyang pinasadahan ang kabuoan ko. Pakshet, para siyang si Forest kapag gumaniyan.


"You could've at least pretended. Isa lang, eh!" reklamo niya. "Apply this. Male-lessen nito 'yung pamamaga sa forehead mo." Nagmamaktol niya akong binigyan ng ice pack.


"Thanks, hun." Napangisi ako nang umirap siya. I winced as the coldness made contact with my skin. "May salamin ka ba riyan?" Mas masakit pa pala kapag dinikitan ng kung ano.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon