Kabanata 20

685 44 5
                                    


"Hoy, sandali lang naman! Huwag kang tumakbo, baka mahilo ka!"


"Agree! Enough with your paggi-givenchy ng mini heart attack sa'min, Pips! Matatampal na kita nitong pamaypay ko!"


Nagtanggal ako ng I.D matapos silang kaladkarin sa labas ng sports complex. Tagaktak na ng pawis ang leeg ko kamamadali. "A-Ayoko na roon sa loob, ang daming tao."


"Laban ng crush mo tapos iniwan mo lang? Napuruhan ka nga talaga sa ulo." Tinabihan ako ni Yaz.


Pangalawang araw na ng Intramurals namin. Walang laban ang volleyball sa senior high kaya malaya kaming magpagala-gala sa campus nang walang inaalalang academic-related activities.


"Eh, sa marami ngang students. Sobrang siksikan pa!" Pinigilan kong mapalabi sa isiping kinailangan kong ipagpaliban ang laro ni Ace. 


"Kung pinahinga mo na lang sana kasi 'yang ulo mo sa bahay, 'di ba? Hindi kasi nakikinig, bubutasan ko 'yang noo mo kapag nagdugo ulit 'yan!" angil ulit ng bestfriend ko. 


Inutusan ako ng nurse kahapon na huwag nang pumasok ngayon upang magpahinga ngunit wala akong balak na palagpasin ang huling Intrams namin sa tanang high school life ko.


Mula nang makauwi ako, hindi na ako nakaramdam ng hilo bukod sa manaka-nakang pagkirot nito. I took it as a sign na makaka-recover agad ako sa pinsalang dulot ni Abigal. Ni-wala man lang sorry ang bwiset!


"Saan ba us maglalakbay, Pips? Ang jinet dito sa labas!" reklamo ni Cris. Muntik ko nang malimutang sensitive siya sa araw.


Dinala ko sila sa punong hindi ko alam kung dapat ko pa bang bansagang tambayan namin ni Yaz, o sinumpang pwesto na naging sanhi ng sakitan namin ni Forest kahapon. 


Iyon ang unang beses kong makita ang pagkataranta sa mga mata niya, and as much as I hated to say this, I felt a sense of achievement kahit mangiyak-ngiyak na ako sa sakit.


I finally managed to bring out something in her. Galit, inis, at takot. 'Yung pinakaiingat-ingatan niyang composure, natunghayan kong malusaw kahit puro negativity lang ang lumalabas sa bibig niya. 


Ibang-iba na 'to kumpara sa unang linggong nakilala ko siya. Back then, para siyang robot na nakakulong sa isang malaking bloke ng yelo. Stoned face, cold heart. Although hindi pa rin nawawala 'yon sa kaniya, para akong nanalo sa lotto dahil may nakikita na akong emosyon sa kaniya kahit papaano!


Weird. Does that even deserve a celebration? Hinalikan niya pa ako nang walang pahintulot kahapon! Bastos!


Natigil ako sa paglalaro ng I.D nang tumunog ang phone ko. Muling umusbong ang kaba sa dibdib ko. Hindi pa rin pala sapat iyong pagtakas kanina sa complex, nalimutan kong may number ako sa kaniya!


Hey, g ka pa rin ba mamaya? I saw you at the court earlier, puntahan kita?


Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon