Kabanata 11

695 43 4
                                    


"Oh, my gosh! My Prada! Hey, tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Mas expensive pa kaya 'to kaysa sa made in tiangge mong shoes!" 


Nagising ang nanlalata kong diwa at nagbaling sa ubod ng samang pangmamata ng isang babae. Isa na namang Helen student.


"Sorry." Labag sa loob kong sabi. Inirapan lang ako nito at saka padabog na umalis.


"Ugh! So stupid naman kasi, hindi marunong mag-watch ng nilalakaran!" Maarte pa nitong asik habang pinapagpagan iyong sapatos niyang aksidente kong naapakan.


Kinagat ko ang labi ko at pinigilang mangwarla ng taga-ibang unibersidad. Tama nang si Forest lang 'yung kaaway ko, huwag nang magdagdag ng iba't baka sumikat pa ako sa kabilang school.


"Taray naman nitong bestpren ko, new record!" 


Namataan ko si Yaz na nakaabang sa shed nang malagpasan ko iyong guard house. Hindi tulad kong sumabak sa drag racing ng mga jeepney kanina, fresh na fresh siyang lumakad papunta sa'kin. Walang kagusot-gusot ang uniporme niya, maayos ding nakapusod ang ginintuang buhok.


"Hep! Empanada ko?" Tinitigan ko nang halos sampung segundo iyong nakalahad niyang kamay. "Huy, ano? Buffering lang?" Natatawa niyang wagayway ng kabilang kamay sa harap ko.


Tamad na tamad kong kinuha ang daily vitamin niya sa bag. "Oh! Puro ka na lang lamon!" 


"Init ng ulo, ah! May dalaw ba?" Kinagatan niya agad ito nang magsimula kaming bumaybay.


"Meron! Kaya huwag kang magulo, sasabunutan talaga kita!" Iritable kong tugon. Nagsisimula na namang kumirot itong sentido ko, ang sarap tanggalin!


Natawa siya, tumalsik pa 'yung kinakain sa ere. "At least, maaga tayo!"


"Tanginang maaga 'yan. Alas-tres nang madaling araw ako ginising!" Mabibilang sa daliri ang mga estudyanteng napapadaan gayong alas-sais pa lamang. Huwag naman sana sumulpot 'yung taong puro frustration at confusion ang dulot sa'kin.


"Minsan ka na nga lang maging maaga, lubusin mo na! Kumusta 'yung club meeting niyo nung Friday? Kasama mo si Forest, 'no? Sinabay ka ba?"


Huminto ako at gulat siyang nilingon. "Gago, ibinilin mo talaga ako sa babaeng 'yon?"


Nagtataka siyang nagkibit. "Oo? Eh, hindi ka nga mukhang okay kaya pinasamahan kita. Makakasabay raw nila 'yung club niyo, pumayag naman siya agad."


"Ano namang sinuhol mo sa babaeng 'yon at napapayag mong dumikit sa'kin?" Kaya naman pala buntot siya nang buntot, inutusan pala ng bestfriend ko. Akalain mo nga naman at talagang tumalima siya. Ang bait-bait niya sa iba, pagdating sa'kin, sumasablay!


Nawiwirdohan niya akong minata. "Bakit parang galit na galit ka naman doon sa tao? Buti nga, hinatid ka pa! Inabutan ko lang ng Dutch Mill, ayun, deal sealed."

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon