"Pi, saan ang luksa?"
"Luksa?" Ilang beses akong kumurap bago mag-alis ng tingin sa pisara.
Kumuha siya ng upuan at pumwesto sa tapat ko. "Kagabi pa 'yang kalutangan mo, hoy! May problema ba?"
Sinuklay ng mga daliri ko ang buhok ko. Sasabihin ko ba sa kaniya iyong kalokohang nangyari sa'min ni Forest? Aware naman silang hindi kami good shot sa isa't isa, baka maihi 'to sa gulat kung magkataon.
"Wala..."
"Oh, eh, ano 'yan?" Dinutdot niya 'yung noo ko habang nakasimangot. "'Yang mukha mo, parang ipapalit na sa nakahiga sa kabaong! Magdamag kang nakatulala!"
Ikaw ba naman 'yung paulanan ng mixed signals kagabi, hindi ka ba maba-badtrip? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-process 'yung kinalabasan ng pag-uusap namin. Wala na nga akong naintindihan sa klase!
"Aray! Ano ba?!" Winaksi ko 'yung daliri niyang tuloy sa pagtuktok sa ulo ko.
"Bakit ka nga kasi nagkakaganiyan?" Pamimilit niya.
"Yaz, inaantok lang ako. Kita mo naman kung anong oras na tayo nakauwi kagabi." Pakunwari akong humikab.
Tila gumana naman 'yung rason ko't bumalik siya sa upuan niya. Maski siya, kulang din sa tulog kasi inabot na kami ng madaling araw.
"Hindi ka ba sasama sa canteen?"
Nailing ako bago nayuko sa desk. "Kayo na lang muna ni Cris. Iidlip lang ako bago mag-next period."
"Mas maganda kapag kumpleto tayo. Doon ka na lang matulog!" Pangungulit niya pa.
"Ang ingay-ingay ro'n, eh!"
"K, fine!" Binuhat niya ang sariling bag para umalis. Tumigil siya sa harapan ko. "Wala kang ipapasabay? Libre ko na."
"Tinatamad akong ngumuya."
Nalukot ang pagmumukha niya animo'y hindi na natutuwa sa'kin. "Babalik ako agad." Lumakad siya patungo sa pinto at muli akong nilingon. "Hindi pa tayo tapos, Pi! Pasalamat ka't nagugutom ako!"
Natatawa kong sinubsob ang mukha ko sa bag. Hindi ko pinagtuunan iyong sandaling pag-vibrate ng phone ko sa bulsa nito. Alam ko namang pagbabanta ng kaibigan ko 'yan, na kesyo may part 2 pa 'yung QnA namin.
Nangunot ako nang aksidenteng matamaan ang isang balot ng pagkain sa gilid ng bag ko. Agad ko itong sinilip. Bigay ito ni Yumi sa'kin na napanalunan nila kagabi, a marshmallow.
"May pasok na naman, tangina..." Pupungas-pungas kong kinalikot ang yakap kong unan. Papasok pa ba ako? Pare-pareho naman kaming walang tulog ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
Storie d'amoreThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...