Kabanata 31

726 43 9
                                    



"Shit, Forest!" windang kong sigaw nang bumagsak siya sa semento. Taranta ko siyang tinabihan at kabadong nilingon iyong kamao ni kuya.


"Ganiyan ba talaga kakapal 'yang pagmumukha mo?" Nagngingitngit na lapit ni kuya at marahas siyang kinuwelyuhan patayo. "Pati kapatid ko, papatulan mo?!" 


Nag-angat ng tingin si Forest, putok ang gilid ng labi. Imbes na matakot sa nanggagalaiting titig nito, nakuha niya pang ngumisi.


Aba't baliw talaga 'tong Gubat na 'to! Na-stuck ba 'yung utak niya sa panliligaw?! Nasapak na, nang-aasar pa!


"Gag—"


Mabilis akong humarang sa pagitan nila akmang magtataas na naman ng kamay si kuya. "T-Tama na!"


"Huwag kang makisali rito, Pipay. Pumasok ka na sa loob," mariin niyang dagdag. 


"Ayoko!" Bumaling ako kay Forest nang ilayo niya ang kamay ko. Nagdudugo na 'yung labi niya. "Iyong bib—"


"It's alright, it doesn't hurt at all." Sa kabila ng tensyon, she gave me a reassuring smile. Parang hindi iyon nagustuhan ni kuya't napasinghal siya. "We'll talk tomorrow, you should go inside."


Bumaba ang mata ko sa bibig niya. "Gamutin muna natin 'yan."


"Umalis ka na," boses ni kuya. Nakatalikod ako sa kaniya't natutunugan kong papalapit na naman siya sa'min.


"Sandali lang naman!" angil ko nang hilahin niya ako.


"Lumayas ka rito! Huwag na huwag kang babalik dito, sinasabi ko sa'yo!" pasigaw niyang banta matapos akong itabi sa likuran niya. "Dinala mo pa rito 'yang kababuyan mo!"


"Forest..." Nangungusap at may halong lito kong tawag. Tinanguan niya ako at muling pinulot ang bigay ni mama. Pinagpagan niya ang sarili at pinanood kaming pumasok.


Mabigat ang mga yabag kong tinungo ang salas at padabog na sinara 'yung pinto.


"Hindi ba't sinabihan na kita noon pa lang na lubayan 'yong babaeng 'yon?!" Pagalit niya akong dinuro. "Tapos ano 'yon, Pay? Madadatnan ko kayong naghahalikan? Kilabutan ka naman!"


Inis akong nagbaling sa kaniya at hinampas 'yung kamay niyang nakatutok sa'kin. "Ano ngayon? Wala naman kaming ginagawang masama!"


Saglit siyang natigilan at nanlaki ang mata. "Wala? Parehas kayong babae, doon pa kayo sa labas ng bahay nagkakalat!"


Nagpamewang ako at natawa nang pagak. "Pero ayos lang manuntok? Bigla-bigla kang nanunugod, baliw ka ba?!"


Tiim-bagang siyang nagpigil lumapit. "Sinabihan na kitang hindi magandang impluwensya sa'yo si Del Valle, 'di ba? Ano bang hindi mo maintindihan?! Kung anu-ano nang tinuturo sa'yo nung babaeng 'yon, natututo ka nang sumagot!"

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon