Kabanata 6

686 56 5
                                    


"Which one is better?" I padded across the hallway towards the voice. Hindi ko masyadong makilala kung kanino iyon ngunit medyo pamilyar.


Binati ako ng sunod-sunod na tawanan mula sa salas namin pagkarating ko sa dulo. May iilang mga pinta na nakasabit sa dingding. Mga mistulang pinaglaruan ng isang bata't pinahid lang ang magkakahalong kulay.


Nangunot ako. Kailan pa kami nagkaro'n ng mga ganito sa bahay?


"Ay, shit!" Gulat akong umatras matapos masanggi ang plorera ni mama malapit sa hagdan. Patay! Baka mukha ko na 'yung sunod na basagin ni mama!


"What are you doing here?" Malamyang tinig ang nagpatigil sa'kin mula sa pagpupulot ng mga bubog sa sahig.


Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo upang aralin ang kabuoan niya. Suot niya pa rin iyong uniporme niya ngunit nakapaa na lang. "Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?!"


Ano 'yan, feel at home?! Trespassing?! Hindi ko maintindihan!


"Babe, who's there?" Hindi ko alam na may iuuwang pa ang bibig ko nang sumulpot ang taong araw-araw kong ipinagdarasal na mapansin ako.


"A-Ace?" Hindi makapaniwala kong usal. Hanggang dito, naka-varsity jacket pa rin siya. Bumaba ang tingin ko sa braso niya nang hapitin niya itong kaharap ko sa bewang.


Luh, gago. Bastusan?! Ilang taon kitang ginusto tapos hahawak-hawakan mo lang 'tong babaeng inaway ako noong nakaraan?!


"My sister's friend," Sumagot ang mang-aagaw ng crush. Hindi man lang siya natinag, sa'kin pa rin siya nakatungo. "Do you wanna join us?"


"Saan?" sagot ko sa tanong niya.


Litong-lito na ako sa nangyayari. Sasabog na 'yata ang halos non-existent kong utak. Saan ba kasi nanggaling 'tong mga 'to? Nananaginip ba ako? Kasi kung oo, pakitanggal 'tong babaeng 'to! Minsan na nga lang makasama si Ace, may eepal pa!


Sumilay ang ngiting kay Storm ko lang madalas nakikita sa kanilang dalawa. Sabay nila akong nilapitan at sa bawat hakbang nila'y siya namang pag-atras ko.


"Sa kama," sambit nila.


"G-Gago? H-Hindi ako pumapatol sa t-threesome!" Nataranta ako lalo nang maramdaman ang lamesa sa likuran ko. Saglit ko itong sinulyapan, may mga nakahanay na iba't ibang klase ng tinapay sa ibabaw nitong sasapat na sa sampung tao.


Ano 'yan, pag-aalsa na naman?! Nasaan 'yung bestfriend ko? Ilabas niyo!


Maang akong bumaling sa kanila nang may humangin sa pisngi ko. Napasinghap ako nang bumungad ang isang dipang layo ng babaeng ilang beses na yatang bibiglain ang puso ko. Nasa likuran niya na si Ace at may kinakausap sa phone.


"Come on, it will be fun. Don't underestimate us, baka hindi ka na makalakad bukas." Slowly but surely, she crossed the remaining distance between us by placing both of her hands to my side.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon