Kabanata 12

635 44 4
                                    


"Pipay, salo!"


"Hala, wait lang!" Nangarag ako sa kinatatayuan. Hindi ako nabigyan ng tiyansang makabuwelo, mabilis itong bumagsak sa sahig at gumulong sa paanan ng kasamahan ko.


Isang malaking pakshet talaga kay Yazlyn! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan 'yung pag-iral ng kukote niya't ipinasok niya ako sa volleyball team!


"S-Sorry..." Nahihiya kong kamot sa batok bago damputin 'yung volleyball at muling inihagis kay Donna.


"Last day na natin, Pipay. Kayang-kaya mo 'yan!" Pag-cheer niya, hindi napapalis ang ngiti. Sinenyasan niya akong bumalik sa pwesto at nag-thumbs up. Saludo talaga ako sa pasensya niya. 


Mag-iisang oras na kaming nag-eensayo para sa darating na laban namin sa Lunes, gano'n din ang pagbabad namin sa ilalim ng tirik na araw. Mag-aapat na araw na kaming ganito, wala pa rin akong improvement!


Mas malaking kahihiyan sa batchmates namin kung matatalo kami sa grade 11 students. Lower level sila, siyempre nag-eexpect silang mandudurog kami na parang hindi ako takot sa bola!


Iilan lang sa'min ang marunong sa sport na 'to, dalawa, to be exact. Isa na si Donna na todo-gabay sa'kin, crush yata ako. Charot. Anim kami sa grupo at karamiha'y trip lang sumali para masubukan. 


"Bend lower, Pipay!" Mosyon ni Donna na mas mag-squat ako. Tinuturuan niya akong sumalo ng bola. 


Nagbuga ako ng hangin at nag-focus sa bola. Ilalagay nila ako sa gitna, middle blocker yata ang tawag. Tangina na lang at sinasalo ko 'yung bola sa kahit anong paraang maisipan ko maliban sa kamay, puro pasa na tuloy ako.


Pumosisyon si Donna at marahang tinira ang bola. Umatras ako nang bahagya at tinantsa ang pagbabagsakan nito. Come on, Pipay. Petiks lang 'to sa'yo!


"Hala, shit! Pipay!"


"Aw..." Nahimas ko ang noo ko at sapilitang naupo. Nauna pa akong nag-landing sa semento kaysa sa bola!


Pinalibutan ako ng mga kasamahan ko't inalalayang makatayo. Sinuportahan ako ni Donna at sinamahan sa lilim ng puno. Narito kami mismo sa pwestong naabutan ako ni Forest matapos kong itakas 'yung baon niya noon.


Ipupusta ko ang kaluluwa ko, hindi na siya magpapakita. After what happened last Monday, never na siyang sumulpot pa. Hindi ko tinanong si Storm o Yaz kung anong nangyari sa kaniya, pake ko ba? Mas better nga 'yung ganito, mas napo-promote ang peace sa kapaligiran ko.


"Pipay, use this muna." Itinago ko ang gulat nang mapansing ready na 'yung ice pack ni Mocha, our team captain. Kung paano siya nakatakbo sa clinic nang gano'n katulin, I would never know.


Ilang segundo kong tinitigan 'yung ice pack. May naalala lang ako, secret kung sino.


"Salamat, 'te. Bilis mo, ah?" Hindi ako nag-aksaya ng oras at inilapat ko 'yon sa noo ko. 


"Naman, girl scout kaya 'to." Nangiti ako. Ganiyan din ang palagi kong sagot kay mama.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon