Kabanata 8

700 60 4
                                    


I know you're friends with my sister but that doesn't mean we're friends as well. Feeler niya, as if namang gugustohin ko siyang kaibiganin.


I don't even know why I'm wasting my time with the likes of you. Girl, same! Ayan din 'yung iniisip ko sa'yo. Bakit ba kita pinag-aaksayahan pa ng panahon?


You poor midget. Don't worry, consider your debts paid off. Sana makatayo ka pa.


Bwiset talagang babaeng 'yon, napakalaking epal! Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin 'yung sakit ng balakang at pwetan ko. Hirap na hirap akong lumakad noong Sabado, napagkamalan pa tuloy akong PWD sa jeep!


I gazed outside the slightly ajar glassed window as the sunlight glared upon it, naturally emitting a warm ambiance in the room. Gustong-gusto ko talaga ang ganitong panahon, napaka-cozy ng paligid.


Bumaliktad ang ngiti ko nang sumagi sa isipan ko iyong mga pangyayari nitong weekend. Wala nang mas ilalala pa 'yung inis ko sa kapatid ni Storm. I don't even wanna see her anymore, not after what happened last time.


"Miss Elizalde."


Hindi yata kami kailanman magkakaroon ng matinong pag-uusap. Palagi na lang may mambabara na isa sa'min, tapos mauuwi sa pagtatalo. Minsan nga'y sakitan pa, mas malala 'yung mga ganti niya!


"Miss Elizalde?"


Kaso ang labong hindi na kami magkikita, nasa iisang building lang pala kami. Nakakairita lang isipin na sa dinami-rami ng pwede kong masalubong at matapon 'yung baon, eh 'yung kaniya pa. Sa kaniyang napaka-bitch at rude ng ugali!


"Miss Elizalde!"


"S-Sir?" Napadiretso ako ng upo nang marinig ang sigaw ng professor. Did I just space out? Oh, shit.


"I've been calling you since forever!" Tiim-bagang niyang usal habang nakapamewang. Halos malaglag na iyong pagkakapal-kapal niyang salamin sa ilong na agad din niyang inayos.


"S-Sorry po." Napatitig ako sa libro kong nakabuklat lang. Bigla yata akong nagkainteres na magbasa na lang kaysa sa tingnan siya. Ang tanga lang, Pipay. Magdi-daydream ka na nga lang, dito pa sa klase ni Sir Mendoza, our terror professor in Per Dev.


"If you don't find my subject interesting enough that you would rather stare out of the window the whole time, feel free to leave my class."


Umiling ako. "S-Sorry po, sir. Makikinig na po ako." Napapahiya kong sinalubong ang disgusto sa mata niya. Ito ang pinakaayaw niya sa klase, 'yung physically present ka pero mentally absent. Maanong lumiban ka na lang kaysa sa masabon niya.


May kumalabit sa tabi ko. "Tulala pa more." Ngisi niya.


"Lul," bulong ko pabalik. Inirapan ko siya bago ibalik ang atensyon sa harap. Kasalanan 'to ng babaeng 'yon. Hanggang dito sa klase, sinasabotahe niya 'yung utak ko. Ang sarap niyang tirisin hanggang sa lumuwa na 'yung mga organs niya!

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon