"Rise and shine!"
Lalo kong ibinaon ang mukha ko sa unan at hindi pinansin ang nakaririnding boses. Ang himbing-himbing ng tulog ko, may umeepal sa labas ng kwarto ko.
"Come on, hun. Mr. Sunny's already waving at you." Nangunot ako nang may humablot sa unang yakap ko bago narinig ang paghawi ng kurtina.
"Punyeta..." Feeling the sunlight all over my face, I groaned. "Ano bang ginagawa mo rito sa kwarto ko, Bagyo? Ang aga-aga, iniistorbo mo si sleeping beauty."
"The last time I remembered, this ain't your room but my sister's, at lalong walang sleeping beauty rito. I only see a sleeping monster." Natatawa niyang hinila 'yung kumot ko.
"Ugh, ano ba kasi!" Ungot ko nang balutin ako ng lamig. "Akin na!" Walang dilatan kong kapa sa tela. Taglamig na ba ngayon? Sobrang ginaw!
"Time's up. Tama na 'yung kakatulog, baka makutusan na ako ng kapatid ko. Siya na rin 'yung nag-utos sa'king gisingin ka before the clock strikes at ten."
Agad akong nagmulat nang kilitiin niya 'yung paa ko. "Storm naman, eh!" Tawang-tawa ko siyang sinipa-sipa.
"Ayaw mo talagang tumayo?" Pagbabanta niya. Umalis siya sa paanan ko at sumilip sa pinto. "Loki, come!"
"An—" Humagalpak ako ng tawa at inilagan 'yung pandidila ng alaga niya sa mukha ko. "Bagyo, alisin mo nga 'tong aso mo!"
"Napapala ng ayaw makinig." I heard the amusement in her voice.
Pagkakuha ng tiyansang makawala, yamot akong naupo. Hinimas-himas ko ang balahibo nitong alagang-alaga sa shampoo't suklay. It is a golden retriever, halatang sagana sa pagkain tulad ng amo niya.
"Shit." Sinalat ko ang sentido ko nang bigla itong kumirot. Hindi ko magawang magtaka kung paano siya nakapasok dito.
"Does it hurt?" Tanging tango lang ang kinaya ko at isinandal ang sarili sa headboard. "Oh, to witness the aftermath of your yesterday's disaster. Such a nice start for the morning."
Sandaling sumilay ang kinahuhumalingan kong toned abs niya nang mag-inat siya. Bilib talaga ako sa pagiging maalaga niya sa katawan.
"Leche ka, ikaw 'yung may pasimuno, eh!" Ibabato ko na sana sa kaniya itong unan, natigilan ako nang may sumagi sa isip ko. I looked around and noticed the room I'm currently in. Nanlaki ang mga mata ko at taranta siyang binalingan.
"I told you, you're in my sister's room," she chuckled. "More than five bottles of alcohol, hun. Did I, by any chance, force you to drink?"
Imbes na pagtuunan 'yung sakit ng ulo ko, mas nanaig iyong isiping narito ako sa kwarto ni Forest. Paano ako napadpad dito, at bakit?!
"Saan ka pupunta?" Nauna siyang lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomanceThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...
![Chasing Forest [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/229708460-64-k401832.jpg)