Kabanata 10

713 52 4
                                    


"Class, please settle down for a while. I have an important announcement to make."


For the nth time of the day, I heaved a deep breath when Ms. Fuentes gestured for us to sit back down. It was our dismissal time already and I'm dying to get out of this building. Hindi naman sa ayaw kong magklase, sira lang kasi ang mood ko nitong nagdaang araw.


Let's not mention any names. Basta siya't siya lang ang laman ng kukote ko at sobrang nakakabahala na. Idagdag pa 'yung pag-away sa'kin ni Yaz dahil wala 'yung hinihintay niyang Chop Suey, ayun pala't naligaw ro'n sa higanteng 'yon!


Inilibot ng homeroom teacher ang kaniyang paningin sa buong klase bago tumango-tango. "All of you seems stressed," she started. The look on her eyes contradicted the words she'd just said. Imbes na maawa, mukhang natutuwa pa siya.


We won't be this 'stressed' in the first place kung hindi kami binigla na periodical na sa makalawang linggo. Muli akong bumuntong-hininga at pumangalumbaba sa desk. Quarter to three na. Bagot na bagot na ako, hindi na ba makakapaghintay 'yung balita niya sa Lunes? Uwian na kaya, hmph.


"Hoy, Pi. Pang labing-tatlong beses mo na 'yan, ayos ka lang ba talaga?" I turned over to Yaz. She has the same stance as I do.


Saglit akong naningkit nang masilaw sa bumabandang sinag ng araw sa bintanang katabi niya. "Oo, ang kulit mo. Inaantok na kasi ako." I feigned a yawn.


"Utot mo. Ang pangit mong um-acting," sagot niya. May halong inis pa 'yan dahil nga sa pagkain niyang hindi ko naibigay.


"Everyone, be sure to be on time on Monday. We'll be having an assembly in the Central Auditorium at exactly 8 AM regarding our upcoming Intramurals. So wipe that frown off your faces kasi mas malaki 'yung posibilidad na mapaaga 'yung Intrams natin compare last year."


Hindi ko na nasundan ang sunod pang sinabi nito nang balutin ng sigawan ang silid namin. Some were even thumping their desks, others dance like there's no tomorrow from their seats. Ganiyan kami kabaliw kapag may mga events ang CU.


Nagkangitian kami ni Yaz out of relief bago nakisabay sa ingay ng mga kaklase namin. Natawa na rin si Ms. Fuentes habang pinagmamasdan ang gulong naidulot ng anunsyo niya.


"Umaasa akong maaga kayo sa Monday, ha? The administrators mentioned on our meeting yesterday, mas magiging strict na ang mga professors at guards for those students na palaging late." Ang kaninang pagdiriwang namin ay napalitan ng reklamo, lalong-lalo na ako, suki pa naman ako niyan.


Paano na lang kaya kung narito si Storm, ano? Bentang-benta siguro kami sa guidance, palagi pa naman kaming late.


"That's all, everyone. Enjoy your weekends! Class dismissed."


Sa wakas! Pare-pareho kaming nagsipagtayuan. Gustong-gusto ko nang umuwi at humilata sa kama buong magdamag dahil unang-una, wala akong pasok sa trabaho, at pangalawa, wala ring pasok bukas. Heaven!


Siyempre joke lang, kailan ba napunta sa panig ko ang swerte? We still have our club meeting na darausin na naman sa ilalim ng tirik na araw!

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon