Kabanata 21

553 42 8
                                    


"Pay, diretso na sa complex."


"Oo na nga! Paulit-ulit!" Rinding-rindi akong nagtakip ng tenga. 


Gigil niya akong pinandilatan. "Isa, umayos ka, ah!"


Napairap ako bago siya layasan. Nakakainis na kasi siya. Magdamag niya kaya akong pinaulanan ng sermon na layuan si Forest, ayaw namang sabihin 'yung dahilan!


Hindi naman mahirap iwasan 'yung babaeng 'yon. Ang akin lang, bakit kailangan kong gawin? Lalo na't nagmula pa sa kaniya ang utos, masyadong out of nowhere! 


"Ano ba kasing meron sa kanila?" tanong ko sa sarili. Buong gabi na akong binubulabog ng kyuryosidad ko!


Bumagal ang paglakad ko nang makarinig ng bell sa likuran ko. Tumabi ako't hinayaan itong makaraan. Nasa sidewalk naman ako pero patuloy siya sa pagpapapansin. 


Mas binilisan ko ang bawat yapak ko. May ideya na ako sa kung sinong maldita 'tong bumubuntot sa'kin at wala ako sa katinuang makita o makausap siya. 


"Ay, kingina!" Napatalon ako sa tabi nang sabayan niya ako. Hindi ko siya nilingon. Nasa baba naman siya ng sidewalk kaso napakalapit sa'kin. 


Tinikom ko ang bibig ko at lakad-takbo siyang inunahan. Kung papipiliin naman ako kung sino, siyempre mas susundin ko si kuya. Hahayaan ko munang lumamig ang ulo niya sa kung anong issue man ang meron sa kanila ni Forest.


Am I being unreasonable to her side? It's not like she cares if I treat her like a fart. Gano'n din naman siya madalas sa'kin. 


"What's with the rush? May laban ka?" Muli niyang pinaandar ang bisikleta niya't sinundan ako.


Napakagat ako ng labi at pinigilang sagutin siya. Bakit ganito? Kung kailan dapat ko siyang layuan, ang ayos ng pakikitungo niya!


"Pipay, I know you can hear me. Susulyap ka pa nang patagilid, obvious naman." 


Kahit anong pagmamadali ko, naaabutan niya pa rin ako. Nagkaroon pa tuloy kami ng racing dito sa labas. Sa huli, mukhang napagod na siya kakahabol.


"Will you quit running away? May ibibigay lang ako sa'yo, feel na feel mo namang magpahabol. Hindi na ako babalik sa inyo kung 'yan ang inaalala mo. Just send my regards to tita, she'd been so kind to me."


Mariin akong pumikit bago kumapit sa mga strap ng backpack ko. Ang kapal naman niyang isiping nagpapahabol ako, ayoko lang naman talaga siyang makausap!


"Fine, I'll wait here. Bumalik ka na lang kung tapos ka nang magpabebe." Huling sabi niya. Nawala na rin iyong tunog ng pagpadyak at kaluskos ng mga dahong nadaraanan ng gulong ng bike niya. 


Keaga-aga, sinisira na naman niya ang araw ko. Wala ba siyang ibang magawa at nagpapapansin siya?

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon