Kabanata 26

674 51 10
                                        


"Bakit kasama 'yang tiyanak na 'yan?!" Nanghihilakbot na turo ni Yaz sa batang kasama namin.


"Hindi po ako tiyanak!" 


"Pi!" Madali siyang nagtago sa likuran ko. "Hindi mo man lang ako in-inform na nandito rin 'yang chucky na 'yan, sana nakapagdala ako ng lambat para maitapon siya sa bangin!"


"Sana rin po pala nagbaon ako ng tape para maitapal ko sa mouth niyo."


"Hoy, Chucky doll." Nagpamewang ang bestfriend ko. "Gusto mong isabit kita ro'n nang patiwarik?" Duro nito sa zipline.


"Mauna po kayo."


Laglag-pangang nagkatinginan ang mga kaibigan ko, pati si Forest ay nakitaan ko ng gulat, hindi ko tuloy napigilang matawa. Ganito naman palagi sina Yaz at Yumi sa tuwing nagkikita, puro alitan at bangayan animo'y magkaedad.


"Damn, Yazlyn." Storm stepped forward and went beside her. 


"Aanhin ko 'yan? Hindi ako nauuhaw!" Tukoy niya sa tubigang lahad nito.


"Apply cold water on the burned are—Ouch!" Hindi siya nakailag sa hampas ni Yaz. Kinamayan niya si Yumi na parang walang nangyari. "Storm at your service."


"My name is Yumi po." Inosenteng tugon ng pinsan ko, supil ang parehong reaksyon nito. Neither of them were smiling, just plain formality.


May binulong si Storm sa kaniya na wala ni-isa sa'ming nakarinig. Tumango si Yumi at sumama sa kaniya palayo, hindi man lang nila kami nilingon. Pareho pa silang nakapamulsa't seryosong umalis.


"Problema nung dalawang 'yon?" Nagamit ko na yata ang lahat ng talino ko sa utak at natunganga sa papaalis nilang pigura. 


"Alam mo naman ang dakilang tibo ng grupo, masyadong maraming pakulo! Kiber na, peeps! Baka magsara na sila!" Hirit ni Cris habang basa ang polyetong hawak.


"Naks, wala na 'yung puslit. Larga na sa rides!" Gatong ni Yaz bago ako akbayan. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy, roller coaster na agad ang pinili nilang pilahan. 


"Wala man lang warm-up?!" Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko sa isiping sasakay ako roon. Isabay pa ang paglalim ng gabi't lalong paglamig ng klima.


"Ay, beh. Bawasan ang pagiging O.A, pambata nga lang 'to! Mamaya pa 'yung hardcore!" tugon ni Cris.


"P-Pambata?! Puta, halos matanggal na nga 'yung bungo nung mga nakasakay, eh!" Mangiyak-ngiyak kong dikit kay Yaz. Nahiya naman 'yung t-shirt ko sa kaniyang may tatlong patong ng jacket sa katawan.


"Pi, wala ngang kabahid-bahid ng thrill 'yung coaster, oh! Para ka lang dinuduyan!" sabat ng bestfriend ko. Niyakap niya ako sa braso at inalog-alog ito.


"Ayoko, kayo na lang! Taga-picture na lang ako rito sa baba, sa ibang rides na lang ako sasama."

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon