Kabanata 18

501 43 5
                                    


I heaved a determined sigh. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, namamanatang huwag akong pumalpak at tamaan ng kamalasan ngayong araw. 


Si Mocha ang nakaatas na mag-serve. Tutok lang ang mata ko sa harap, panatag na mapapatawid nito ang bola sa kabila.


PRRTTT!!!


Dalawang beses na pagtalbog ang tanging narinig ko kasunod ang isang malakas na hampas. The ball went smoothy on the other side, just as I expected.


Umayos agad ako ng posisyon. Nasalo iyon ng nasa kanang likuran nila at tinira paroon sa kaliwang harapan. 


"Mine!" Bumalik ang bola sa'min at na-receive ni Elen. Walang kahirap-hirap niya itong ipinasa kay Yen, ang left side hitter namin at nakatayo sa harapan ko. Marahan niya itong binump sa ere. 


Laking gulat ko nang may dumaplis na anino sa gilid ng paningin ko. Si Donna! Tumalon siya nang napakataas, spiking the ball on the other side. Bumagsak ito sa semento nang walang nagagawa ang kalaban.


"Whoa..." Naiwan akong kukurap-kurap.


"Let's go!!!" Saka lang ako natauhan nang may umakbay sa'kin habang nagtatatalon. It was her.


Nangibabaw ang sigawan ng mga grade 12 students. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nakatulala lang ako! Ganito ba talaga 'yung larong 'to, o sadyang lutang lang ako? 


Another serve from Mocha. Matulin ang naging paglipad ng bola patungo sa kalaban. Nasalo ito ng libero nila, ang natatanging may itim na uniporme. Malinis ang naging pag-set nito na sinundan ng nasa kanang harapan nila pabalik sa'min.


"Pucha. Akala ko ba hindi marurunong 'tong mga 'to? Bakit ang gaganda ng mga pasa?" Kabado akong lumunok. Paroo't parito na ang tingin ko, hindi ko na masundan!


Bumalik kay Donna 'yung bola at tinira niya ito pataas. Kaso medyo napalakas kaya napunta sa back row, kung nasaan ako ngayon!


"Mine!" Loren dived in front of me. She's our libero, wala mang experience sa laro ay todo talaga lumangoy sa sahig masalo lang 'yung bola. Perfect position for her.


Napatingala ako at tinitigan ang pagbabagsakan nito. Holy shit, sa akin!


"AKO NA 'TO!" Gigil kong sigaw at sinubukang tirahin ang bola. Saktong tumalbog lang ito sa braso ko kaya walang kapwersa-pwersa itong tumuntong sa net.


Sa kabila ka bumagsak! 


Kasabay ng pagpigil ko ng hininga'y unti-unting dumulas ang bola... pabalik sa side namin.


"Tangina!" Inis kong sigaw. Napuno ng pagdiriwang ang kabilang grupo at hiyawan ng mga manonood. Puro panghihinayang naman ang narinig ko sa mga ka-batch namin.


"Nice try, Pipay! Lutong, ah?" Natatawang tapik sa'kin ni Donna sa likod. Sumunod ang mga kasamahan ko, paniniyak nilang ayos lang iyon at hindi maiiwasan.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon