"Naaksidente?!" Para akong binagsakan ng bulalakaw. Agad kong inakyat ang kwarto ni Storm at hinanap ang mga gamit ko.
"Ilang minuto lang bago ako tumawag sa'yo. Itinawag sa'kin ng mga kaibigan ng kuya mo ang nangyari," malamyang sabi ni papa.
"Susmaryosep." Huminto ako para kumuha ng hangin. "A-Ano pong aksidente?" Dinalian kong lumabas at baka maistorbo ko pa si Storm.
"Nasaga—"
"Nasagasaan?! Ano ba naman 'to si kuya!" Napakapit ako sa stair railing at pilit pinakalma ang sarili. "Nasaang ospital po kayo?"
"Huwag kang mataranta masyado, Pay. Baka ikaw naman ang sumunod kay Prince."
Padarag akong bumaba ng hagdan. Kahit magkaaway kami, kapatid ko pa rin siya't hindi ko kailanman nanaising mapahamak siya. Paano kung nabagok 'yung ulo no'n at hindi na magising? Huwag naman!
"Gusto mo bang sunduin na lang kita riya'n? Malapit lang naman itong CGH kila Yaz," wika nito.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Ni-wala na akong pake kahit hindi ko ito bahay, matutuyuan ako ng lalamunan sa nerbyos. "P-Paalis na ako, Pa. Kukuha na lang po ako ng taxi. Si mama, kumusta po?"
"Nasa loob siya ngayon at kinakausap ang doctor." Kumaluskos sa kabilang linya. "Dis-oras na ng gabi, wala ba ang Tito Lindo mo riya'n? Baka maaaring magpahatid ka muna sa kaniya."
"Hindi na po. W-Wala po 'yung magulang ni Yaz." A lie followed by another lie. Nang dahil sa pagcu-cutting namin, puro na lang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko.
"Siya sige, kailangan din ng kasama ng mama mo. Halos maglupasay na kanina papunta rito. Sigurado kang kaya mong makarating dito, ha?"
"O-Opo. Tatawag na lang po ako kapag malapit na ako, bantayan niyo po si mama." Pagkababa ng tawag ay nilapitan ko si Forest. "Gubat, aalis na muna ako, ha? Magpahinga ka na't nasobrahan ka masyado sa pagpa-party." Malumanay kong nginitian ang natutulog niyang pigura bago siya halikan sa noo.
Pagkatayo, nagtama ang mata namin ni Scarlett. Pinapanood niya pala akong mangarag.
"You're leaving?"
"O-Oo, emergency kasi." Nagdalawang-isip ako kung hahakbang na ba ako paalis o ano. Para kasing may gusto pa siyang sabihin. "Mauna na ako."
"Wait." Pagkalingon muli sa kaniya'y nagsusuot na ito ng jacket.
"Sigurado ka ba rito?" May bahid ng hiya kong tanong.
"Which hospital is it?"
"Sa CGH. Alam mo naman 'yun, 'di ba?" Tinanguan niya ako't mabilis na pinasibad ang kotse ni Storm.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomansaThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...
![Chasing Forest [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/229708460-64-k401832.jpg)