Kabanata 13

568 40 4
                                    


"Magandang morning, Pips!"


"Good night." Nahihikab kong salampak sa bench at pumikit.


"Ayan, puyat nang puyat. Sa una lang kayo ganiyan." Nalilito akong nagmulat. Pinagsasabi ng baklang 'to? "Mag-attendance ka muna kay Ate Rena. Baka biglang magdilim paningin ko sa'yo."


Natawa ako sa hindi malamang dahilan. Ang gaspang kasi ng pananalita niya, hanggang doon lang naman ang kaya. "Ikaw na, Cris."


Tumaas ang kilay niyang korteng pangmataray. Hinila niya ako sa braso patayo na muntik ko nang ikasubsob. 


"Utusan ba naman ako? Fart mo, Pips. Kapag napag-trip-an ka no'n, pagtatawanan talaga kita." 


Nagbuga ako ng hangin at tinatamad na tumayo. Yakap-yakap ang bag, lumapit ako sa pwesto nila Ate Rena na kasalukuyang nagkukumpulan sa ilalim ng guard shed at nagtatawanan.


Wala akong mamukhaan sa kanila, nakakahiya tuloy makisali. Tumayo ako sa isang tabi at hinintay silang matigil sa pag-uusap. Mainam nang maging pasensyosa kaysa matutukan ng spotlight.


"Pips!" angil ni Cris nang mapansin ang pag-iinarte ko. Sinenyasan niya akong kausapin na ito, na dagli kong ikinailing. Pinandilatan niya ako. "Huwag ka nang pa-tweetums diyan, hurry up!"


"Attendance?" Nakangiting tanong ni Ate Rena. Nagbaling ako sa direksyon ng grupo nila at napansing nakatingin na silang lahat sa'kin. 


Napalunok ako at madaling tumungo sa tabi niya upang isulat ang pangalan ko sa listahan. Medyo marami-rami na ring tao, idagdag pa 'yung section nila Forest.


"Uh, Ate Rena?" Mula sa pagbibilang ng mga members, nagtataka niya akong nilingong muli. "Hindi po pala makakasama si Forest."


Pagkauwi namin sa bahay, inuna ko talagang magpa-load at i-text si Storm. She updated me with no other questions, wala nang pantal 'yung kapatid niya at sinisinat na lang. I'm just doing her a favor by excusing her, bayad ko 'to sa pag-asikaso niya ng hot compress para sa puson ko.


"Forest?" Napaisip ito, hindi yata matandaan ang naturan.


"Del Valle po. Kabilang po sa section na sasali sa'tin, na-ospital po kasi siya kahapon."


"Gano'n ba? Kumusta na raw siya?" Medyo nagulat ito. Matapos kong iabot sa kaniya 'yung listahan, may sinulat siya roon. Maybe noting Forest's absence.


"Ang sabi po ng kapatid niya, unti-unti nang bumalik 'yung lakas niya. Sobra po kasing napagod nitong mga nakaraang araw." Ewan ko kung anong pinaggagawa ng higanteng 'yon at biglang bumigay 'yung katawan niya. 


Tumango-tango siya. "Mark as absent ko na siya, ha? Excused naman, absent nga lang." Sumang-ayon ako at sumandal sa counter ng guard house. 


You're welcome, Forest. Sana naman matuto kang makinig sa iba, 'di ba? Kahit sa mga kapatid mo na lang. Mukhang makakapatay na si Storm kahapon, baka pumalag pa siya ro'n.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon