Kabanata 25

567 46 4
                                    


"Wow, may barko pong nagsi-sway!" 


"Yumi, halika rito. Baka mawala ka!" Mabilis akong humabol sa kaniya. 


"Umiikot po 'yung horses!" Nagtatalon siya nang mahuli ko siya. "Woah! Ang taas po ng Ferris Wheel!" 


"Gusto mong sumakay roon?" Nakikita ko pa lang kung gaano 'yon kataas, nanginginig na 'yung mga tuhod ko.


Tanging tango ang sagot niya, hindi maalis-alis ang tingin sa mabagal nitong pag-ikot. Kanina pa siya panay turo sa mga natatanaw niya doon pa lamang sa parking. Sa sobrang excitement niya, pinauna na kaming gumala ni Forest habang naghahanap siya ng maaaring maparadahan.


"Ayun din po! Sakyan natin 'yun, ate Pipay!" Inalog-alog niya ang braso ko, nakatuon sa roller coaster.


Napalunok ako. "Bawal pa yata 'yan sa edad mo." Pagdadahilan ko. Takot lang talaga ako. What if tumilapon ako hanggang outer space, 'di ba? Jusko!


Lumabi siya at nginuso iyong pangalawa niyang napansin. "Sa may mga horses po?"


"Oo, doon na lang!" Agad kong sang-ayon. Merry-go-round, ang sagot sa problema ko. Literal na iikot lang, walang makatanggal-kaluluwang shits!


"Where is he?" Sulpot ng diyosa sa tabi ko. 


"Uhm..." Kinuha ko ang phone ko sa bag at kunwaring nagpipindot. "P-Parating na. Kaka-text niya lang."


Kingina. Ilang oras na 'yung inilaan sa'min sa byahe para malusutan itong kalokohang sinimulan ng pinsan ko, wala akong napala!


"H-Hindi ka pa ba aalis?" Kabado kong tanong. 


Nagtalo ang isip ko kung matatakot ba akong nasa malayong lugar kami't kaming tatlo lang, malaki rin kasi ang tiyansang iwan niya kami, o makahinga nang maluwag dahil hindi niya kami mabibisto kung lilisan man siya.


"Do you want me to?" Patay-malisya niyang pinanood 'yung mga rides. "Cause I won't listen anyway. Anong oras 'yung kitaan niyo?"


Wala na, finish na! Buong akala ko'y ihahatid niya lang kami at hahayaang bumyahe pauwi, aba't makikiusyoso pa pala! Eh, wala naman talaga kaming hinihintay. Pakshet!


Mabilis kong sinilip 'yung oras. "F-Four?" 


Nilingon niya ako't tinaasan ng pangmatapobre niyang kilay. "Hindi ka sigurado?"


"S-Sure ako, 'no!"


"It's already quarter to five." Sumilay ang diri sa mukha niya.


"P-Palagi namang late 'yun." Hindi ko na napigilang yakapin ang sarili ko sa lamig. Walang hiya, iba nga pala ang klima rito! Buti pa si Yumi, may baong jacket!

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon