Kabanata 33

512 37 9
                                    



Pipay's POV


"Oh, come on! Unfair!"


Bihasang inikot-ikot ni Forest ang raketa niya sa ere. "Only because you lost. A hundred times more practice would do."


Storm playfully rolled her eyes. "Shut up. Dumulas lang 'yung racket sa kamay ko."


"Pretty normal when you're hands get sweaty... due to pressure," bwelta nito. Nakikinita ko na 'yung nang-aasar nitong ngisi na bihirang masilayan. Naliligo na siya ng pawis pero ang presko pa rin niyang tingnan, parang ang sarap amoy-amuyin!


"Says the woman putting in extra effort to make an impression." Medyo sumeryoso si Storm. Nakapatong sa kaliwang balikat niya ang makintab na itim na raketa habang may panghihinayang na tinititigan ang berdeng bolang nasa kamay.


Hindi naman ako na-inform na sobrang competitive pala nilang dalawa. Ang babaw lang ng parusa pero kung maglaban sila kanina parang pati ako'y hinihingal sa palitan nila ng palo.


"It was worth it," Forest removed her cap and pushed her bangs up. Nagpunas siya ng pawis sa noo at hindi nag-abalang ayusin ang buhok niya. 


Napakagat ako ng labi upang pigilan ang sarili sa pagsigaw ng pangalan niya. Grabe 'yung dating niya kahit sa simpleng paghawi lang ng buhok!


Nagmistulan siyang mataray na diyosang mangpapataw ng kaparusahan. Ang ganda-ganda ng tabas ng kilay niya kahit halatang hindi siya mahilig maglagay ng makeup, hindi sobrang kapal at hindi rin manipis.


"Red horse, anyone?"


Sabay-sabay silang napalingon kay Ace. Muntik na nga akong mapaatras. Sobrang tahimik kasi nila pagkarating namin, sa'min naman ngayon nalipat 'yung atensyon nila. 


"Finally! Nice timing, dude!" May kalakihan ang katawan ng lalaking sumalubong sa'min. Mamula-mula ang pisngi nito. Madali niyang kinuha iyong lintek na case ng mga boteng kamuntikan pa kaming ipahamak.


Sandali silang nagyakapan bago ito tumakbo pabalik sa upuan niya. 'Yun na 'yon? Yakap lang? Hindi niya ba kukumustahin kung paano namin nabili 'yon? Nakauniporme pa man din kami, buti na lang at nailusot namin sa tindahan 'yon lalo't malapit lang kami sa paaralan!


"You're just in time." Another guy approached us, greeting us with a tap on the shoulder. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Hugo, ang kauna-unahang nag-Tagalog noong bumisita kami sa hacienda ng mga Del Valle.


Nakahinga nang maluwag si Ace. "Great. I thought we wouldn't make it on time. We ran into trouble getting those drinks."


Bigla itong natawa at iginaya kami sa pwesto nila. "We'll put those bottles to good use, don't worry."


"Wait..." Halos mabalian ng leeg si Ace sa pagbaling. Napansin niya na yata 'yung scoring doon sa board. "Is it over?!"

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon