Kabanata 17

603 46 9
                                    


Pipay's POV


"Hay, salamat!" Pagod akong sumalampak sa sala.


Hinatid nila ako hanggang sa kanto. Nagpumilit pa ngang bumisita rito si Storm, siyempre, tumanggi agad ako. Ang kalat kaya ng bahay, baka hindi pa sila magkasya sa sikip ng espasyo.


Saka, hello? Hinding-hindi ko hahayaang makatuntong si Forest dito, 'no! Baka totohanin niya pa 'yung pagpapa-salvage sa'kin sa birthday ko, edi na-deads ako nang walang jowa. Huwag gano'n!


"Oh, kuya?" sagot ko nang mag-ring ang phone ko.


"Pay, nasaan ka? May biglaang lakad daw sina mama kasama 'yung mga amiga't amigo nila, hindi raw muna tayo tuloy sa simba."


"Eh, ikaw? Baka gumala ka pa!" Sumimangot ako at sinulyapan 'yung orasan. Mag-aalas-sais pa lamang, pwede pa akong magsimba nang mag-isa kung gugustohin ko. 


"Nandito pa ako kila Gwen. Male-late ako ng uwi, may tatapusin lang kami."


Napangisi ako. "Ano 'yang tatapusin niyo, ha? Sumbong kita kila mama, eh!"


"Hoy, buong grupo kaming nandito! Saka huwag mo muna palang buksan 'yung pinto ng banyo riyaan sa salas at nagbubukas-sara nang mag-isa 'yung gripo. Baka may bumulaga sa'yo."


"Luh!" Awtomatiko akong napaayos ng upo at nilingon 'yung C.R na katabi ko lang halos. Napalunok ako at dahan-dahang umusog palayo. Nilinga ko pa ang kabuoan ng bahay bago kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko.


Tawang-tawa siya sa kabilang linya bago ako babaan. Kaya naman pala walang tao pag-uwi ko, may kaniya-kaniya pala silang lakad. Sana pala sinama ko muna si Yaz dito para may kasama ako.


To: Haba Baba

Bastos ka, kuya! Bakit ngayon mo pa sinabi 'yan?! Matae ka sana sa brief mo!


Inis ko itong ni-reply sa kaniya. Natigil ako sa tapat ng malaking salamin na nakasabit sa pader ng silid ko. My eyes wandered to my torso. Napakagat ako ng labi at pinigilang mangiti.


Ano kayang sumapi kay Forest at tinubuan siya bigla ng pakikisama? Never kong in-imagine sa tanang buhay kong magtatabi kami sa sinehan upang manood ng pelikulang siguradong hindi pasok sa taste niya.


Akala ko nga manggugulo lang siya ngunit hindi, she watched it as much as I enjoyed it. Nakalibre pa ako ng popcorn, oh. Gago lang talaga't ini-spray-an ako sa mukha ng agua bendita niya.


Ito pa 'yung malala. She lent me her freaking clothes! Ang dami-daming paraan para makauwi ako kahit madungis, talagang hinatak niya ako sa restroom para magpalit.


"Cute na nga 'yung hoodie, eh." May halong hinayang kong bulong. 


Umakyat ang tingin ko sa labi at napahawak doon. My eyes slowly widened in pure terror, realizing what I had done. Hinalikan ko siya... intentionally.


Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon