Kabanata 9

618 51 0
                                    


Kinusot ko ang mata ko nang manuyo ito kakatitig sa orasan. It's been an hour, heto pa rin ako't nakikipagtitigan sa alarm clock. Ipinatong ko na nga ito sa ibabaw ng tiyan ko habang nakahilata sa kama para lang mabantayan 'yung oras.


Pagtuntong ng eksaktong alas-singko, bumangon ako at nag-inat. Ang sakit-sakit ng ulo ko, hindi man lang ako nakatulog nang maayos dahil sa pesteng babaeng 'yon! Ang tagal kong nakatulala, puro labi niya ang nakikita ko sa kisame. Badtrip!


Nagising na lang ako kaninang alas-dos nang mag-ring 'yung phone ko sa tawag ni Yaz, hindi na ako dinalaw ulit ng antok.


From: Biscuit

Naka-admit na si ate, stable na rin 'yung condition niya. Hindi muna ako papasok, Pi. Wala kasing magbabantay sa kaniya, umaatake pa rin 'yung hilab ng tiyan niya from time to time. Balitaan mo ako sa mga lessons, ah!


Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang huli niyang text. Kanina pa itong alas-tres, nag-reply na lang akong dadaan ako sa kanila mamaya upang magdala ng makakain at magpagaling si Ate Yzabelle. May history kasi iyon ng UTI, parang ako. Madalas talaga siyang magpabalik-balik sa ospital kapag na-trigger 'yung sakit niya.


"Hala, may tiyanak!" Nakangangang bulalas ni kuya na nadatnan kong nagto-toothbrush malapit sa banyo at tanging tuwalya ang saplot. Nilapitan niya ako at inalog-alog ang balikat. "Gising, Pay! Naglalakad ka nang tulog!"


"Tigilan mo nga ako, kuya! Mas nauna pa akong magising sa'yo!" Nandidiri kong tulak sa kaniya. Natatalsikan na ako ng toothpaste galing sa bunganga niya, ew!


"Bakit ang aga mo na naman, ha? May boypren ka na talaga, 'no!" Pahabol niya at napataas pa ang dalawang kilay.


"Alam mo, kuya? Napaka-judgmental mo kahit kailan!" Inirapan ko siya. "Nasa ospital si Ate Yzabelle, paglulutuan ko ng pagkain para madala mamaya!"


"Ano raw nangyari?" Natigil siya sa pagsisipilyo at gulat akong nilingon.


"Baka 'yung UTI niya na naman. Sumakit daw 'yung tiyan kaninang madaling araw, eh." Nakakalungkot lang isiping napaka-active ng kapatid ni Yaz sa sports pero 'yung sarili niyang katawan, sumasagabal sa kaniya.


Dumiretso ako sa kusina at namataan si papa na nakapwesto sa kabisera, hawak-hawak ang tasa ng kape niya. Si mama nama'y abala sa pagpapalaman ng Cheese Whiz sa mga pandesal. Pareho silang natigil sa ginagawa at puno ng pagtataka akong minata.


"Bakit po?" Nalilito kong tanong sa inaasta nila.


"Anong meron?" Sabay nilang sambit. Natawa ako sa itsura nilang parang may kakaiba sa'kin ngayong araw. OA ng pamilya ko, ah.


"Sinugod daw po sa CGH si Ate Yzabelle kaninang madaling araw. Paglulutuan ko po ng Chop Suey." Nakanguso kong saad. Parang krimen sa kanilang magising ako nang maaga.


Alas, nagkagulo sila't kaniya-kaniyang kuha ng cellphone para ma-contact ang pamilyang Celestino. Para ko na kasing kapatid 'yon si Yaz simula pa noong wala kaming kamuwang-muwang sa mundo. Sobrang magka-close ang pamilya namin dala na rin na magkapit-bahay kami dati.

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon