Walang nagsalita sa'min habang binabaybay ang daan sa loob ng Hacienda Fermoselle. Hindi man namin aminin, pare-pareho kaming nalula sa yaman ng pamilya nila Storm. Gate pa lang, parang mas mahal na sa tirahan namin.
Magli-limang minuto na kami sa byahe, puro kapunuan at talahib lamang ang aming nasilayan. Hindi naman creepy tingnan dahil halatang alagang-alaga ang mga ito.
"Ang agang pa-fieldtrip naman nito!" Sinamyo ni Yaz ang lamig ng hangin sa bintana. Kumpara sa polusyon tuwing nagco-commute ako, sariwa ang simoy rito.
"We're getting close." Nagmaniobra si Storm paliko saka tumunghay ang pila ng mga pananim na bulaklak sa hindi kalayuan. May mga tao na roong abalang magtabas, ang iba'y nag-aararo pa.
Kumaway ang mga tagapangalaga sa gawi namin.
"Ang chaka! May pa-hardin ng Eden!" Sinuklian ni Cris ang mga pagbati nito. Halos lumusot na 'yung kalahati ng katawan niya matanaw lang sila.
"Patingin!" Sumiksik sa tabi ko si Yaz. "Ang ganda ko!"
"Sira!" Natatawa ko siyang hinila pabalik sa upuan niya. Bisita na nga lang kami, mag-eeskandalo pa.
Hindi namin namalayang huminto na pala kami sa bungad ng isang tulay. Muli kaming sinampal ng kayamanan nila at manghang-mangha na bumaba. We're literally in a forest, marami sa mga puno rito'y may baging na.
Gaano ba kalaki itong lupain nila para magkasya ang isang kagubatan?! Baka kapag nawala ako rito, hindi na ako makauwi!
"Let's go, later na kayong mag-sightseeing." After i-lock si Bailey, nagsimula kaming tumawid sa tulay. "Baka mapatay na ako ng mga kapatid ko."
Mga kapatid? Holy shit. Ibig bang sabihin nandito rin 'yung kapreng 'yon?! No way!
"Hala, gagi! Tingnan niyo, dali!" Nagkandadapa-dapa ako sa pangangaladkad ni Yaz sa railing nitong tulay. "Sayang, wala akong dalang damit!"
"Woah, gago!" Yumuko ako sa ilalim. Magkahalong asul at berde ang tubig doon, maaakit ka talagang lapitan dahil hindi ito pangkaraniwang makikita.
"Pips! Kuhaan mo ako ng picture, ipo-post ko sa epbi later!"
"Huy, siraulo ka, Cris! Bumaba ka nga riyaan!"
Hindi siya nakinig at nanatiling nakatayo sa itaas ng harang. He striked a pose, lahad ang cellphone sa isang kamay. "Kahit one lang, beh! Walang ganito sa lugar natin, 'no!"
Wala akong nagawa't kinuhaan na lang siya ng litrato. "Huwag kang malikot! Kapag nalaglag ka, iiwan ka namin dito!"
"Sali!" Tumuntong si Yaz sa tabi niya. Hindi man lang sila nalula sa taas namin. Kahit sabihing marunong kang lumangoy, paniguradong malalim 'yung babagsakan diyaan.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomanceThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...