Kabanata 5

716 57 0
                                    


Walang gana akong lumakad sa cafeteria habang nakikipagtalo sa isip. May kasalanan din naman siya ngunit pakiramdam ko'y mas mabigat ang ibinalik ko sa kaniya. Ito ang kauna-unahang beses kong makipagsagutan sa taong hindi ko kilala, at lalong umabot sa pamemersonal.


Ano bang dapat kong gawin? Eh, sa sinagad niya rin 'yung pasensya ko. Though I did the same thing, mas worse pa nga. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. She intentionally dropped my lunch to make it quits, sino bang hindi mauurat? Nagsayang lang siya ng pagkain!


And don't even get me started with her attitude. Nakitaan ko na siya ng kasupladahan noon pa lang pero mas malala naman 'yung naka-engkwentro ko kanina. Ang sakit niyang magsalita, akala mo kung sinong boss!


Siguro nga'y may pinagdadaanan siya, still, hindi 'yon excuse to be rude!


"Dinaanan ka ba ng delubyo, Pi? Ba't ganiyan 'yang mukha mo?" Nadatnan ko ang nanunuring mata ni Yaz pagdating ko sa table. Hindi pa sila nagsisimulang kumain, hinintay pa yata akong makarating.


"Are you alright, hun? You look like a dried veggie." May halong pag-aalala ring tanong ni Storm.


"Ano bang meron sa mukha ko, Yaz? Maganda pa rin naman ako." Naupo ako sa tapat nila nang hindi sila nililingon. Paniguradong mauuwi 'to sa mahabang kwentuhan. "And yes, okay lang ako, Storm. Kulang lang ako sa dilig."


Dinig kong bumungisngis si Storm pero hindi umimik ang bestfriend ko.


"May muntik na naman bang managasa sa'yo?" Napaangat ang ulo ko at nasalubong ang nakakunot na Yaz.


"Wala." Pero may bumunggo naman!


"Is something bothering you?" Lumagok ako ng laway. Ito na naman 'yung paraan ng pagkakatutok ng mata ni Storm. Tipong ikaw lang ang tanging nakikita ng mata niya't pinagtutuunan ng atensyon.


Paano kayang hindi pa nagkakaroon ng jowa 'tong babaeng 'to? Kung hindi lang ako straight, baka nahulog na agad ako sa kaniya. She's really fun to be with, talagang pilya nga lang. Siguro hindi pa dumarating 'yung taong kaya siyang i-handle, or maybe I'm just being nosy again.


Besides, it wasn't 'something' that was upsetting me, but someone. I almost said yes pero later na lang mga friends, may sasagutan pa akong more than 50 items.


"Wala rin." Binuklat ko ang libro at doon na minata si Yaz. Muntik na nga akong matawa sa panlilisik niya, hindi ko lang magawa. Panay sagi kasi sa isipan ko iyong mataray na 'yon. "Anong page 'yung sasagutan?"


Saglit kong tinanaw 'yung wall clock ng canteen. Halos trenta minutos pala akong nanatili sa building namin kanina, thirty minutes na lang din ang natitira bago mag-last period. Shit.


Nailing siya't siya na rin mismo ang nagsara ng textbook ko. "Biniro lang kita kanina, walang assignment diyan." Humalukipkip siya't sumandal sa upuan. "Now, spill. May nangyari ba habang wala ka?"


Para akong tinakasan ng kaluluwa sa ibinunyag niya. Iyong pakikipagtalo ko kanina, awtomatikong nag-play lahat sa utak ko kasabay ang matinding pagsisisi at inis. All those hurtful words for nothing?!

Chasing Forest [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon