Forest's POV
In my whole twenty-two years of existence, never have I ever encountered someone as childish as this lady in front of me. Inorasan ko na nga kung gaano katagal 'yang kalokohan niya, three minutes na siyang ganiyan.
"Grabe 'yung hiya ni gravity sa ice cream." She kept her cup upside down, slightly shaking it.
Ilang taon na ba 'tong batang 'to? Hindi pa nga yata legal 'to, baka makasuhan pa ako ng child abuse kakapatol sa kaniya.
We're all currently seated at a round table outside Dairy Queen. Rather than minding my business and devouring my frozen strawberry yogurt, mas inuna ko pa siyang panoorin. I can't help it. Kanina ko pa gustong tapikin 'yung ibabaw ng baso niya para malaglag 'yung laman, para kasi siyang ewan.
Parang lahat ng nae-encounter niya rito, first time niyang makita o magawa. Idagdag pang napaka-dramatic niya tulad kanina sa sinehan. Hindi naman gano'n kalungkot 'yung movie, humagulgol siya. Nabilaukan pa nga sa popcorn kakatawa sa isang scene na hindi ko na naintindihan dahil agaw-pansin 'yung ingay niya.
God, my regrets. Sana talaga hindi na ako sumama, though na-enjoy ko naman 'yung palabas because of Olaf na may carrot na nose and popcorn na medyo salty and plain.
"Sobra kung makakapit, amp. Hindi naman sila close nitong baso." Pumangalumbaba si Pipay, binabaliktad pa rin 'yung cup niya. "Ang galing. Hindi ba talaga 'to malalaglag? Idi-display ko sana sa kwarto."
I can't wait for it to melt. Sana bumagsak sa damit niya 'yung laman nang malaman niyang hindi laruan 'yang hawak niya.
"Oh, go—pfft!" Lumipat ang tingin ko kay Storm nang masamid siya sa katatawa kay Pipay.
May sariling mundo kasi 'tong bansot na 'to, akala mo walang kasama. Hindi niya nga napapansin 'yung dalawa niyang katabi na may pinagtatalunang kung sino sa Instagram.
I'd have to hand my sister an award for being able to fit within their circle of friends. Kayang-kaya niyang sumabay sa kanila kahit ilang years din 'yung age gap nila. Unlike me, kulang na lang tawagin nila akong lola.
"Will you just eat? Para kang alien." Hindi ko na napigilang magkomento. Ako kasi 'yung naiinip sa kaniya. Matutunaw na lang 'yung pagkain lahat-lahat, hindi pa rin nababawasan.
"Inggit ka? Gaya ka." She stuck her tongue out and rolled her eyes. Finally coming into her senses, she scooped once. Ngiting-ngiti siyang pumikit habang sinisimsim 'yung lasa.
Isip-bata talaga. Hindi na lang ako sumagot. At least hindi na ako mabo-bother sa pag-aaksaya niya ng food na kanina pa dapat kinain.
Just when I thought she's already over with her stunt, after maubos 'yung nasa bibig niya, dahan-dahan niya itong binaliktad ulit.
My eyes widened in terror. Kung gaano kabilis 'yung pagbaliktad niya, gano'n din kadaling bumuhos 'yung laman ng kinakain niya sa jumper at mismong t-shirt niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomantikThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...
![Chasing Forest [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/229708460-64-k401832.jpg)