Sa mundong binabalot ng mga lihim at panlilinlang, sino ang dapat pagkatiwalaan? -- Si Rhealle ay hindi naniniwala sa mga bagay na mahiwaga. Para sa kaniya, ang mga tulad no'n ay produkto lamang ng malikot na imahinasiyon ng mga tao; ang mga kakaibang nilalang at muling pagkabuhay ay isa lang uri ng kuwentong walang sapat na basehan kundi ang librong isinulat ng mga mortal. Ngunit ang lahat ay nagulo ng makilala niya ang dalawang babae at matuklasan niyang siya mismo ang buhay na patotoo sa bagay na iniisip niyang imposible.