Makalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang buong Rivaryn, samantala sina Silver at Dave naman ay sa palasyo ng Ancestral God namamalagi at sabay nilang pinamumunuan ang buong Rivaryn. Sa loob ng mahabang panahon na yun ay marami ang nagbago kasama na dun ang papalit ng mga Hari at Reyna ng bawat kaharian at ang mga anak na nito ang pumalit sa kanilang trono. Sa Summoner Kingdom naman ay sina Jharren at Arsen na ang nakaupong Emperor ng buong Rivaryn dahil sina Lennox at Jino ay sa Lahore na nanatili at bumaba nalang sila para bisitahin ang kanilang mga apo. Nagsilang naman ng mga anak sina Astrid upang maging tagapagmana nila sa kanilang Trono ganon din ang mga bagong Hari at Reyna ng bawat kontinente para magkaroon din sila ng kanilang tagapagmana sa hinaharap. This is A Book 4 for A Powerful Gay Summoner❤️