STACEY’s P.O.V.
Tatlong araw ang lumipas. Lahat ng mga gamit ko sa dati naming opisina ay nailipat na sa pinakamalaking parte ng gusaling ito, ang opisina ng diablo. Alam kong nagtataka rin sila Dixie kung bakit ako ang napiling bagong sekretarya ni Sir Dwayne, gayong marami namang mga nakaabang sa trabahong iyon.
Hindi ko rin alam kung anong trip ni Sir Dwayne, pero isa lamang ang sigurado ako. Iyon ay gusto niya akong mahirapan ng sobra. Kahit na alam kong ganoon na nga ang mangyayari, hindi ko inatrasan ang larong gusto niya. Patutunayan ko sa kanya na kaya ko na siyang harapin ngayon.
Hindi ko na muna sinabi kahit kanino ang tungkol sa nangyaring pagpili niya sa akin dahil ayokong mag-alala sila Papa. Ayoko ring magsumbong kay Liliane dahil sigurado akong makakarating iyon kay Kevin. Tsssk. Basagulero pa namang pareho ’tong mga lalaking ’to.
“Wow, as if naman may pakialam pa sa’yo si Neil. Este, si Dwayne pala,” bulong ng epal kong konsensiya.
“Ms. Mercado! Kanina pa kita tinatawag! Bakit ba napakabingi mo?!” At galit na naman siya.
“Sorry po, Sir Dwayne. May iniisip lang.”
“Well I don’t care. Stop daydreaming. Nasa trabaho ka ngayon!”
Minsan ay na hindi ko na rin maiwasang mainis lalo na at puro sigaw na lamang siya sa akin. Akala mo naman kung ilang metro ang layo ko sa kanya para hindi ko siya marinig. Psssh. Kainis.
“Sorry po.”
“Tinatanong kita kung may meeting pa ba ako ngayong araw na ’to.”
Kaagad kong binuklat ang maliit na journal kung saan nakalagay ang schedule ng demonyong kaharap ko ngayon. Alisto ko iyong tinitigan at napangiti nang makitang blanko na ito para ngayong araw. Sa wakas, mukhang maaga akong makakauwi mamaya.
“Wala na po, Sir Dwayne.”
“Okay then. Come with me. May pupuntahan tayo.”
“Saan po?”
“Huwag ka nang magtanong. Basta maghanda ka. Umayos ka ng pormal. I have a personal meeting at isasama kita roon.”
Napatango-tango na lamang ako. Kaagad naman akong nagsuklay at naglagay ng kaunting lipstick nang tumalikod na siya sa akin. Patakbo akong sumunod at halos sumuko na nang dahil sa sakit ang aking mga sakong dahil sa suot kong mataas na sapatos.
“Pakibilisan naman. Ang bagal.”
Napaikot na lamang ng kusa ang aking mga mata nang dahil doon.
“Are you rolling your eyes on me, Ms. Mercado?”
“N-no, Sir!” Medyo halata tuloy na guilty ako.
Iiling-iling na lamang siyang sumakay sa kaniyang kotse kaya naman ay mabilis kong binuksan ang backseat ng sasakyan upang hindi ako maiwan.
“And what do you think you’re doing?” kunot-noong tanong niya.
“Sumasakay po?”
“At gagawin mo pa talaga akong driver mo ah? Sit beside me. Ayokong maging driver sa araw na ’to.”
Walang ano-ano ay tuluyan na siyang pumasok sa loob kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang sumakay na lamang sa passenger seat ng kaniyang itim na sasakyan.
Buong byahe ay tahimik lamang kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil oras pa rin naman ng trabaho ko ngayon. Wherever the boss goes, his secretary will be there too.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...