Chapter 28 [✔]

143 11 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Miyerkules na. Nasa kalagitnaan na naman ako ng linggo. Ito ang araw na medyo maayos-ayos ang pakiramdam ko. Malapit-lapit na naman kasi ang Sabado. Kung dati ay nagugustuhan ko na nasa labas ako ng bahay, ngayon naman ay baligtad na.

        Mas gusto ko na lamang na nasa bahay ako kahit pa maghapon nila akong iharap kay Evelyn, ang pinsan kong bruha. Basta huwag lang kay Kevin. Ayokong nakikita ang mukha niya. Kahit pa sabihing hindi niya sinasadyang paasahin ako, may mali pa rin siya doon. Kagaya nga ng sinabi ni Neil, hindi ako aasa kung hindi siya nagbigay ng motibo sa akin.

“Stacey! Saan tayo kakain ng lunch?” tanong ni Liliane.

       Kakatapos lang ng last subject namin kaya naman gutom na gutom na ang mga sikmura namin. Hindi ko pa nakikita si Kevin simula kaninang umaga, sinadya ko kasing pumasok ng napakaaga para hindi na nila ako maabutan sa gate at nagtagumpay naman ako. Ang dalawang security guard at isang janitor palang ang nasa loob ng campus nang dumating ako kanina.

“Kahit saan. Gusto mo sa labas?” alok ko.

“Sige ba. Tara na.”

        Naglakad na kami papalabas ng campus. Malayo na kami sa mga building at malapit nang makalabas sa gate nang biglaang napatigil si Liliane.

“Bakit?” tanong ko.

“Sh*t. Red alert. Mag-aayos muna ako,” naiinis na saad niya.

“Sasamahan na kita,” alok ko.

“Hindi! Huwag na. Hintayin mo na lang ako r’yan sa harap ng gate. Mabilis lang ako, promise.” Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot.

        Patakbo siyang pumunta sa isang malapit na building. Sigurado akong may comfort room doon. Nagkibit balikat na lamang ako saka naglakad palabas ng gate.

        Nakita ko si Neil sa sakayan ng jeep na kagaya ng dati, abala sa pananawag ng mga pasahero. Wala ba siyang balak na kumain man lang ng tanghalian?

“Hoy, Neil!” tawag ko.

“Ms. Beautiful!” bati naman niya.

“Busy tayo ngayon ah.”

“Palagi naman.”

        Naupo ako malapit sa mga naghihintay na pasahero. Mukhang matatagalan pa naman si Liliane. Wala namang masama kung makikipagkwentuhan ako, ’di ba? Tumabi siya sa akin saka nagpunas ng pawis.

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ko.

“Sus. Pagod lang ’yon. Yakang-yaka ko kaya ’to,” pagmamayabang niya.

“Edi ikaw na ang magaling.”

“Syempre. Ako pa. Hindi naman kasi ako iyakin kagaya mo.”

“Bakit? Hindi rin naman ako iyakin ah. Nagkataon lang na nakita mo akong umiiyak noong isang araw.”

“Sige. Sabi mo eh.”

        Tama ba ang narinig ko? Sumasang-ayon siya sa akin ngayon? Wala ata siya sa mood para makipagtalo at makipag-asaran sa akin.

“Himala,” bulong ko.

“Anong himala ka r’yan?”

“Himala na hindi mo ako inaasar ngayon.”

“Bakit? Hindi naman ’yon himala eh. Ang himala, ’yong hindi ka magustuhan.”

        Medyo pabulong na ang mga huling salitang sinabi niya pero malinaw pa rin ang pagkakarinig ko doon.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon