STACEY’s P.O.V.
“What? Stacey! Sa wakas! Hindi na ako makapaghintay na maging kapatid ka balang araw!” pag-iingay ni Liliane.
Sa totoo lang, na-miss ko ang pagiging makulit ng bestfriend kong ito. Ilang araw din kaming hindi nagkita at ngayong pumasok na siya, napakarami kong gustong ikwento sa kanya. Para ngang hindi siya nagkasakit eh. Bumalik na naman kasi ang kaingayan niya katulad ng dati.
Ikwinento ko sa kanya ang lahat-lahat, pati na rin ang pag-aayos namin ng kuya niya at kung paano nito pinaliwanag ang nangyari sa kanila ni Sandra. At ngayon, pinagsisisihan ko na iyon dahil hindi na siya makatahimik. Kilig na kilig din siya habang tumatalon-talon pa nang dahil lang sa kwento ko.
“Shhh. Huwag kang maingay. Mamaya may makarinig sa atin eh,” pagpapatahimik ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria at kumakain ng lunch bago muling pumasok sa klase. As usual, nasa kabilang side lang ng kwarto sila Sandra, Aira, at Josh. Kumakain rin sila at paminsan minsan ay lumilingon sa amin.
“Ano naman kung may makarinig? Sabi ko na nga ba eh. Hindi magugustuhan ni Kuya Kevin si Sandra. Hmp. I knew it! Ikaw ang gusto ng kuya ko.” Ngumisi siya at tila ba nilalakasan pa talaga ang boses.
“Hinaan mo lang ang boses mo, Liliane. Mamaya awayin tayo nila Sandra eh,” bulong ko.
“Wala akong pakialam. Wait, paano si Neil?” pag-iiba niya ng usapan.
“Si Neil? Bakit, ano bang mayroon kay Neil?” takang-tanong ko.
“Hindi mo ba nahahalata? Parang may gusto rin siya sa’yo, Stacey,” kaswal na lamang ang pagkakasabi niya nun.
“Ano ka ba. Parehas na parehas talaga kayo ni Kevin. Kaibigan lang ang turing ko kay Neil ’no.”
“Oo nga. Ang tanong, kaibigan lang din ba ang turing niya sa’yo?”
Ito talagang si Liliane, kung ano anong naiisip. Binibigyang malisya ang mga bagay na hindi naman dapat. Kung alam lang niya na ganyan na ganyan ang sitwasyon ng utak ko noong nawawala siya, baka natawa na siya ngayon.
“Kung ano-ano na kayang naiisip ko habang wala ka,” pag-iiba ko ng usapan.
Mukhang gumana naman dahil hindi na siya nagtanong pang muli tungkol kay Neil. Napunta na sa iba ang usapan naming dalawa, katulad ng ano-ano ang ginawa niya habang nasa bahay lamang siya sa loob ng dalawang araw.
“Nanunuod ng TV. Wala naman kasing ibang pwedeng gawin sa bahay eh.”
Natigil ang pag-uusap namin nang lumapit sa aming direksyon si Kevin, kaswal na naglalakad habang ang kanang kamay niya ay nakatago sa kaniyang likuran.
“Stacey, Liliane. Mabuti naman at nandito na kayo. Sasabay na akong kumain.” Nginitian niya kaming pareho.
“Uy, si Kuya Kevin! Iba ang ngiti natin ngayon ah? Sinabi na sa akin ni Stacey ang lahat ’no, kaya huwag mo nang ikaila pa. Kaya pala halos mapunit na ang bibig mo kakangiti pag-uwi mo kahapon,” pangbubuko na naman niya.
“Psssh. Panira ka talaga ng diskarte.” Umirap si Kevin sa kapatid.
Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Syempre, may kasama ring kilig iyon lalo na kung iisipin ang sinabi ni Liliane. Umuwi raw ang kuya niya na nakangiti kahapon. Hindi ko rin naman maiwasang mapangiti noong nakauwi ako sa bahay namin kahapon katulad niya. ’Yong tipong gusto na akong batukan ni Evelyn dahil nagmumukha na raw akong tanga.
“Ahem. Kukuha lang ako ng maiinom nating tatlo ah,” paalam ni Liliane bago kami iwanang dalawa ni Kevin.
Hula ko ay sinadya niya iyon para makapag-usap kami ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...