STACEY’s P.O.V.
Pagkababa ko ng jeep kinabukasan, bigla akong nabuhayan ng loob. Nakita ko kasi si Liliane na naghihintay sa akin sa labas ng gate. Masayang masaya din siya habang kumakaway pa sa akin.
“Liliane!” Patakbo akong sumalubong sa kanya saka siya niyakap.
“Whoah! Grabe ka, Stacey.”
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya tinignan. Hindi ko pala kakayanin kung sakaling wala akong bestfriend dito sa University. Mabuti na lamang at nandito na siya ulit.
“Sorry. Na-miss lang kasi talaga kita. Ang hirap kayang pumasok dito ng mag-isa.”
“Sus, ito naman. Isang araw lang akong nawala eh.”
“Okay ka na ba? Sabi kasi ni Kevin masama raw ang pakiramdam mo kahapon eh.”
“Okay naman na ako. Teka, nag-usap kayo ni kuya?”
“Ah... Eh... T-tinanong ko lang kung nasaan ka. At saka siya naman ’yong unang lumapit sa akin eh.”
“Ah, ganoon ba? Mabuti naman at mukhang nagkakaayos na kayo kahit papaano.”
“Kaya mo bang sumama sa birthday party bukas?” pag-iiba ko ng usapan.
“Oo naman! Ako pa ba?”
Napansin kong hindi niya kasama si Kevin. Gusto kong pigilan ang sarili ko na magtanong, pero naunahan na ako ng walang preno kong bibig.
“Nasaan nga pala si Kevin?”
“Nauna na si kuya sa loob eh. May assignment pa raw kasi siyang tatapusin.”
“Ah okay.”
Mabuti na lamang at hindi na siya nag-usisa pa. Siguro ay hindi pa rin ganoon kaayos ang pakiramdam niya kaya wala siyang ganang dumaldal. Sana lang ay mabilis siyang gumaling dahil mamimiss ko talaga ang pagiging makulit niya.
**********
Lunch break. Pumunta na kami ni Liliane sa cafeteria. Wala pang gaanong tao kaya naman mabilis kaming nakakuha ng mauupuan. Nasa kabilang lamesa lang namin sila Aira at Josh na parehong nakatingin ng masama. Kung hindi ako nagkakamali ay siguradong pinag-uusapan nila kami.
“Liliane. Nakatingin na naman sa atin sila Aira.”
“Psssh. Hayaan mo sila. Wala naman tayong ginawang masama eh.”
“Kung sabagay.”
Tama naman kasi siya. Wala kaming ginawang masama para makonsensya. Nakakagulat lang dahil pati si Josh ay mukhang may galit na rin sa amin. Sa pagkakaalam ko kasi ay si Aira lang ang nakasagutan ko noong nakaraang araw.
Mas lalo pa akong nagulat sa sumunod na nangyari. Pumasok kasi sa Cafeteria si Sandra, ang babaeng nililigawan ni Kevin ngayon. Naupo siya sa tabi nila Aira. Hindi ko alam kung magkamag-anak ba sila o ano. Wala akong natatandaan na nagkasama-sama silang tatlo sa kahit na anong event dito sa University.
“Liliane,” pagtawag ko ulit sa bestfriend ko.
“Ano ’yon?”
“Tumingin ka sa lamesa nila Aira...” Pabulong na lamang ako ngayong magsalita dahil sa takot na baka may ibang makarinig sa amin.
Sumunod naman siya sa sinabi ko at pareho kami ng naging reaksyon. Nakapapagtaka naman kasi talaga na bigla-bigla na lang silang magkakasama na tatlo.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...