Chapter 39 [✔]

105 8 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Nangingiti na lamang ako sa tuwing iniisip ang balak kong pagsagot kay Kevin mamaya. Buo na ang loob ko, desidido na akong maging kami. Isa pa, gusto ko naman siya eh, dati pa. Nagkalabuan lang naman kami dahil sa issue nila ni Sandra noon. Pero hindi na iyon importante, ang mahalaga na lamang ay ang ngayon, ngayon na nililigawan na niya ako sa wakas.

“Stacey! Manood tayo mamaya ah?” Kumapit sa aking braso si Liliane habang ngiting ngiti ngayon.

“Manood ng?”

“Basketball game! May laro ulit sila Kuya Kevin. Masaya iyon. Kalaban ulit nila sila Josh. Inisin natin sila Aira.”

        Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. Iyon talaga ang pakay niya, imbes na suportahan ang kuya niya na si Kevin.

“Shhh. Huwag kang maingay, baka mamaya may makarinig sa’yo. Mahirap na.”

“At ano naman ngayon? Anong gagawin nila sa atin, bubugbugin? Subukan lang nila.” Umakto pa siyang pinipisil pisil ang kaniyang mga kamao sa harapan ko.

“Baliw ka talaga, Liliane.” Natawa kaming pareho bago tuluyang pumasok sa aming mga klase.

        Natapos ang araw na tila ba kay bilis. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makasama si Kevin ng kaming dalawa lang. Hindi ko tuloy siya makausap ng maayos. Siguro mamaya na lang after ng basketball game nila. Makakapaghintay naman siguro iyon.

        Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, namataan na lamang namin ni Liliane ang mga sarili namin na naglalakad patungo sa basketball court ng University, hindi para magklase kundi para manuod ng basketball game nila. Maaga kaming dinismissed ni Prof.Carl na mukhang good mood na naman dahil nga sa may laro ang mga players. Kaya naman napagpasyahan muna namin ni Liliane na tumambay at kumain sa Cafeteria kanina.

        At ngayon nga ay nandito na kami ulit. Nagdala ako ng extrang mineral water kung sakali mang mauuhaw si Kevin mamaya. Todo asar naman si Liliane matapos niyang malaman kung para kanino ang binili kong tubig.

        Hindi pa nag-uumpisa ang laro pero may mga first year na nagprapraktis mag-shoot ng bola. Isa na roon si Josh na sa tuwing lalapit kila Aira ay pupunasan siya ng pawis nito. Nakakaumay.

“Stacey!” Bigla akong napalingon matapos makita si Kevin na tagaktak na rin ng pawis bagama’t hindi pa naman sila naglalaro.

“Oh, Kevin.” Nginitian ko siya pero laking gulat ko na lamang nang hindi ganoon ang iginawad niya sa akin.

        Imbes na isang ngiti pabalik, niyakap niya lang ako. Kaagad naman nag “ahem” si Liliane na katabi lamang naming dalawa.

“Sorry. Nakakahiya, pawisan pa naman ako.” Napakamot siya ng batok pagkatapos humiwalay sa akin.

        Hindi naman alintana sa akin iyon dahil kahit pawisan pa siya, mas nangingibabaw pa rin ang amoy ng kaniyang pabango na hindi ko pagsasawaang singhutin kahit kailan.

“Okay lang. Good luck sa game niyo mamaya.”

        Pinindot niya ang tungki ng aking ilong bago pinunasan ang sariling pawis gamit ang kaniyang face towel.

“Thank you. Ah, Stacey...” pagtawag niya.

“Oh?”

        Hindi ko maintindihan ang mga tingin niyang iyon na unti unting nagpangisi sa kaniyang mga labi. Ngumuso siya na parang may itinuturo kaya naman sinundan ko ng tingin iyon. Nakita ko si Aira, na ngayon ay pinupunasan ng pawis si Josh. Kaagad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin kaya natawa na lamang ako.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon