STACEY’s P.O.V.
Mabilis na lumipas ang mga araw, Biyernes na pala ngayon at magtatapos na ang una kong linggo dito sa University. Pero kahit ganoon, pakiramdam ko ay bago pa rin sa akin ang lahat. Itong Maynila, si Liliane, ’yong mga iba ko pang mga kakilala, itong college, at syempre si Kevin. Kahit minsan kasi ay hindi ko pa naranasang magkagusto sa isang tao noong nasa probinsya pa ako. Ngayon lang.
Noong isang araw lang din ay tumawag si Papa Joey sa akin, sinabi niya sa amin nila Tita Lourdes na makakaluwas na raw sila bago matapos ang unang semester ko sa college. May kausap na siya na gustong bumili ng lupa.
Sa wakas, makakasama ko na ulit sila ng kapatid ko. Kahit medyo matagal pa, atleast ay sigurado nang may buyer ang lupa namin. Ilang buwan na lamang naman ang hihintayin ko.
Kasalukuyan kaming nasa last period ni Liliane, Gym. Simula kahapon, sinisigurado lagi naming dalawa na maaga kaming pumapasok sa subject ni Prof.Carl. Mahirap na, baka paglinisin talaga kami nito ng court sa loob ng isang buong linggo. Sino ba namang may gusto nun, hindi ba?
“Okay, that’s all for today. Class dismissed.”
Kanya-kanya na namang paalam ang mga kaklase namin. Kami naman ni Liliane, dumiretso lamang sa aming locker room.
“Kakapagod,” singhal ni Liliane.
“Ikaw palagi kang nagrereklamo,” saway ko sa kanya.
“Eh pano ba naman kasi, isang linggo na ang physical fitness test natin. Wala na ba siyang alam na ibang ipapagawa sa atin?” asar niyang sambit.
“Hayaan mo na. At saka iba naman na ang topic natin next week eh.”
Napasimangot na lamang siya habang nagpupunas ng kaniyang pawis sa noo.
“Stacey!” bigla niyang tawag na ikinagulat ko.
“Oh? Nakakagulat ka naman.”
“May nabanggit pala sa akin si Kuya Kevin kagabi, habang nagkwekwentuhan kami,” excited niyang sabi.
“Ano ’yon?” pang-uusisa ko naman.
“May nagugustuhan na raw siya rito sa loob ng University natin!” hiyaw niya.
“Ano?! Sino naman daw?”
“Interesadong interesado ka ah.”
“Ikwekwento mo ba o ano?” inis kong sagot.
“Oo na, ito na. So ’yon na nga, may gusto raw siya rito sa loob ng University natin.”
“Sino nga?! Paulit-ulit ka naman eh,” inip kong sambit.
“Wala siyang sinabi eh. Ayaw niyang malaman ko. Baka raw kasi asarin ko siya.”
“Ikaw kasi eh, masyado kang mapang-asar. ’Yan tuloy, hindi natin malalaman kung sino ang babaeng gusto ng kuya mo.”
“Bakit, aawayin mo ba?”
“Hindi ah! Bakit ko naman aawayin?” depensa ko.
“Pero alam mo, hula ko ay ikaw ’yon,” kinikilig niyang sabi.
“H-ha? Paano mo naman nasabi ’yan?”
“Kasi nga, siya na mismo ang nagsabi na baka asarin ko siya. Kung ibang babae naman ’yon ay wala siyang pakialam sa sasabihin ko eh, pero kung bestfriend ko, sigurado siyang aasarin ko siya ng non-stop,” paliwanag niya.
Pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. Gusto raw ako ni Kevin? Pero mas mabuti nang huwag muna akong umasa. Mahirap na. Baka mamaya ay naghihintay pala ako sa wala.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...