STACEY’s P.O.V.
“Talaga?! Sinabi mo iyon kila Sandra?” Halos magningning na ang mga mata ni Liliane habang ikwinekwento ko sa kanya ang mga nangyari kahapon.
“Oo nga. Hindi nga siya nakapagsalita eh. Pero hula ko, hindi lang nila ako pinatulan kasi pinapasunod ako kay Ma’am Cheska sa kanya. Siguro naisip nila na baka magsumbong ako kung sakali.”
“Hmp. Ang sabihin mo, nganga lang talaga sila ’no. Ang tapang mo, Stacey!”
“Shhh. Tumahimik ka nga. Ginawa ko lang naman iyon kasi iniinsulto na nila si Neil eh. Isa pa, baka kapag nagkataong wala akong kasama ay kalbuhin na nila ako.”
“Kaya naman pala. Ipinagtanggol ang boyfriend.”
“Liliane! Hindi pa kami, okay?”
“Sus. Eh doon na rin naman papunta iyon, hindi ba? Isa pa, ikaw na rin mismo ang nagsabi. Hindi pa. Ibig sabihin ay mangyayari rin. Ang haba talaga ng hair mo, Stacey!”
Natawa na lamang kaming parehas dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang dami talagang alam ng bestfriend kong ito. Minsan nga ay napapaisip na lamang ako kung gaano ba kalawak ang utak niya eh.
“Pero seryoso na, hindi ko hahayaan na makalapit ulit sa'yo sila Sandra. Takot kaya ang mga iyon na galawin ako. Isang sumbong ko lang kay kuya Kevin ay gugunaw na ang mundo ni Sandra.” Natawa pa siya sa sariling biro.
“Salamat, Liliane. Pero hangga't maaari sana ay tayo na lang muna ang umiwas sa kanila. Alam mo naman, ayokong matanggalan ng scholarship,” paliwanag ko naman.
“Sabagay. Pero hindi dapat tayo papaapi, Stacey.”
“Oo na. Teka nga, kumusta na pala si Kevin?” pag-iiba ko ng usapan.
“Okay naman na siya, Stacey. Inayos na ng doktor iyong nadislocate na buto. Nagrerecover na lang siya ngayon sa bahay. Dalawang linggo muna siyang magpapahinga sa training nila.” Nagulat naman ako sa ibinalita niyang iyon.
“Ibig sabihin, hindi siya makakasali sa basketball game next week?”
“Oo eh.” Bahagya siyang sumimangot ngunit nangiti rin kaagad.
Ang weirdo talaga ng babaeng ito minsan. Bakit kaya parang masaya pa siya?
“Bakit parang masaya ka pa? Mawawalan kaya ng ace ’yong batch nila.”
“Edi maganda!” Hindi ako makapaniwala. “Hindi ako masaya dahil naaksidente si kuya ah? Masaya ako para sa batch natin. Para naman kahit ngayon lang ay manalo tayong mga first year ’no. Palagi nalang second year ang champion. At saka marami pang game na sasalihan si kuya. Parang wala lang sa kanya kung matatalo ang batch nila ng isang beses,” maagap na pagpapaliwanag naman niya.
Napatango tango na lamang ako sa sarili. Baka sakaling magkabati na rin kami nila Aira at Josh kung sakali mang mananalo nga ang batch naming mga first year sa darating na game next week. Ichicheer ko talaga sila. Hanggang ngayon naman kasi ay umaasa pa rin akong magkakabati bati kami. Silang dalawa kasi ang pangalawang kumausap sa akin dito sa University bukod kay Liliane.
“Tara na sa library, Stacey.” Tumango ulit ako bago sumama sa kanya.
Habang naglalakad kami sa mga hallway ng University, napapaisip ako sa mangyayaring game next week. Sana nga ay ito na iyon. Sana ay magka-ayos na kami nila Aira.
**********
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa aking kaliwa. Naroroon pa rin si Neil na ginagamit ang mga mata niyang mapang-akit para mapapayag akong sumama sa kanyang magperya mamaya. Nakakapit siya sa aking braso at tila ba walang balak na bitawan iyon.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...