STACEY’s P.O.V.
“I’m sorry, Stacey. Hindi ko ginusto ’to. Kung may ibang paraan lang sana, gagawin ko. I’m sorry,” umiiyak na saad ni Liliane.
Tulala lamang akong napatingin sa kanya bago muling nagpipigil na ilabas ang mga luha. Wala siyang kasalanan. Paulit ulit ko ’yong sinasabi sa sarili ko. ’Yon pala ang tinutukoy niyang emergency meeting ng pamilya nila noon.
Mga magulang na nila ni Neil ang nagdesisyon kaya wala na akong iba pang magagawa para pigilan iyon. Isa pa... Wala naman nang saysay iyon, hindi ba? Bakit ko sila pipigilan kung si Neil na mismo ang may gusto nun?
“Stacey... Sabi nila Mama at Papa, ititigil lang daw ang kasal kapag pareho kaming dalawa ni Dwayne na may ipapakilala sa kanila. Pero... Paano kung... Ituloy talaga nila? Natatakot ako, Stacey.”
“O-okay lang... Huwag kang mag-alala. Okay lang sa akin... Liliane. N-naiintindihan ko.”
”Pero Stacey... Kasi... I’m sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa’yo ’to... Pero... May boyfriend na kasi ako, Stacey. Ayokong magpakasal kay Dwayne... Ayoko...” Bigla na naman siyang umiyak.
Gulat akong napatingin kay Liliane. Limang taon. Limang taon mahigit na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang malalaman na may boyfriend na pala siya.
“Ano?! Sino? Kailan ko siya makikilala?”
“Mukhang hindi na mangyayari iyon kung matutuloy man ang kasal.”
“I’m sorry, Liliane... Gusto man kita tulungan kaya lang... Ayaw na talaga sa akin ni Neil.”
Malungkot siyang napatango saka humawak sa mga kamay ko. Ilang sandali rin kaming ganoon, tahimik at walang gustong magsalita.
“Naiintindihan ko naman, Stacey. Pero sana... Sana kung malalaman mo man kung sino ’yong boyfriend ko, huwag kang magagalit sa akin...”
**********
Nandito ulit kami sa ospital. Ikalimang araw na namin dito pero parang ang tagal-tagal na. Nagising at nakausap na rin namin si Papa pero hindi pa rin siya pwedeng lumabas ng ospital. Kailangan pa raw kasi siyang obserbahan ng mga doktor.
Ang pambayad naman namin ngayon ang prinoproblema ko dahil tinanggalan na rin ako ni Neil ng trabaho. Wala pa rin akong oras para kunin ang mga natitira kong gamit sa opisina dahil sa kahahanap ng pambayad sa lumalaking bill ng ospital. Ayoko namang manghiram na naman kay Liliane.
“Ate, hindi sumasagot si Tita Lourdes eh.” Napalingon ako kay Kean.
Kanina niya pa sinusubukang kontakin si Tita Lourdes pero hindi ito sumasagot. Ayoko sanang humingi sa kanya dahil malapit na siyang umuwi dito sa Pilipinas. Mahirap na kung magkakautang pa siya roon. Nangako ako sa kanya, nangako ako na hindi na siya babalik doon. Pero mukhang kailangan...
“Stacey, kunin mo na kasi ang sahod mo doon sa kumpanya ng mga Salazar,” matigas na sambit ni Evelyn.
Madaling magsalita, mahirap gawin. Nakapagtrabaho naman ako ng ilang mga araw kaya siguradong may sahod na ako kahit kalahati man lang... Pero kasi... Nahihiya akong lumapit kay Neil. Baka akalain niyang pera lang talaga ang habol ko sa kanya. Pride na lang ang natitira sa akin ngayon, at ayokong pati iyon ay mawala pa sa akin.
“Evs, alam mo namang inalis na ni Kuya Neil si Ate Stacey sa trabaho eh,” sabat naman ni Kean.
“So? Dapat bayaran niya pa rin ang pinagtrabahuhan ni Stacey. Karapatan mo ’yon.” Bumaling siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...