STACEY’s P.O.V.
Bukas na ang byahe namin papuntang Pangasinan para sa team building ng kumpanya. May nakuha na kaming resort doon at excited na ang lahat para sa mga mangyayaring activities. Nga pala, tatlong buwan na ang lumipas simula noong kausapin ko si Kevin. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay wala pa ring pinagbago si Sir Dwayne, terror pa rin siya sa aming mga empleyado.
“OMG! I can’t wait for tomorrow! Excited na ako!” tili ni Dixie.
“Stacey, hindi ba doon ka galing?” usisa naman nung isa pa naming katrabaho. Mabuti na lang at coffee break namin ngayon kaya nakatakas ako kay diablo.
“Ah, oo. Doon talaga ako lumaki. Lumipat lang ako dito para mag-aral.”
“I’m sure excited kana! Kasi ako, super duper excited na! Ikaw pa kaya! Nakaimpake na nga ako ng gamit eh.” Hindi talaga nauubusan ng energy si Dixie.
Maya-maya pa ay natigil kami pare-pareho nang dumaan si Sir Dwayne. Nagsibalikan na sila sa kanilang mga kanya kaniyang mga trabaho habang ako naman ay sumunod na sa masungit kong amo.
“Ayos na ba ang lahat para bukas, Ms. Mercado?” tanong niya nang sandaling makapasok na ako sa loob ng kaniyang malaking opisina.
“Opo, Sir. Okay na po ’yong resort at mga kakainin para bukas. Pati ’yong mga sasakyan po natin.”
“That’s good. Pwede na kayong umuwi ng maaga ngayon. You need to pack your things.”
“Talaga po?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“What did I just say?” naiiritang tanong niya.
“I’m sorry, Sir. Sasabihin ko po sa kanila. Thank you po.”
Masungit siyang tumango sa akin. Lalabas na sana ako ng opisina para sabihan sila Dixie kaya lang ay muli na naman niya akong tinawag.
“And one more thing, Ms. Mercado.”
“Ano po ’yon, sir?”
“You’ll ride with me tomorrow.”
“P-po?”
“Why are you stuttering? I said, sabay tayong babyahe. Kailangan ko ng sekretarya bukas.”
“Okay po.”
**********
Dahil nga sa maaga kaming pinauwi ni Sir Dwayne, nagdesisyon akong bisitahin muna si Liliane. Bibili na rin ako ng meryenda nila Kean at Evelyn sa coffee shop niya tutal ay nakuha ko na rin naman ang sahod ko.
Nangingiti na lamang ako habang naglalakad papunta sa tapat ng L and K Café. Kaya paborito ko rito eh, kahit papaano kasi ay nakatatak ang pangalan nila Kevin at Liliane rito.
“Stacey!” Hindi ko alam kung bakit pero biglaang napatayo si Liliane mula sa kaniyang kinauupuan nang makita niyang pumasok ako sa loob.
Tsssk. Itong babaeng ’to talaga. May kausap pa ngang iba eh. Ganoon na ba niya ako ka-miss?
“Hoy! Baliw ka! Bakit mo naman iniwanan ’yong kausap mo?” tanong ko saka dire-diretsong lumapit sa lalaking kausap niya kanina.
Ewan ko ba, hindi ko naman ugaling maging tsismosa pero kasi, parang may kung anong nagtutulak sa akin na tignan kung sino man ang lalaking nakatalikod at nakaharap sa may counter ng shop.
“I’m sorry po,” saad ko saka kalabit.
Laking gulat ko na lamang nang makita ko si Kean, ’yong kapatid kong dapat sana ay nasa school ngayon.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romansa[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...