STACEY’s P.O.V.
Pabagsak akong napaupo sa mini sofa na nasa loob ng L And K Café bago napabuntong hininga. Naisipan ko munang magkape rito bago pumasok mamaya sa aking trabaho sa University dahil bukod sa pagod, puyat rin ako kagabi.
Isang linggo na naman ang lumipas. Sa loob ng isang linggong iyon, hindi ako tinantanan ni Sir Dwayne. Ewan ko ba kung anong nakain niya at bakit palagi niya akong sinusundan. Wala ba siyang ibang magawa sa buhay? Samantalang noon ay ipinagtabuyan niya lamang ako sa opisina.
“Hoy! Ang lalim na naman siguro niyang iniisip mo.” Napatingin ako kay Liliane na bitbit ngayon ang isang tasa ng cappuccino.
Tumango ako sa kanya bago inagaw ang kape. Humigop ako ng kaunti doon saka muling napabuntong hininga.
“Si Dwayne na naman ba ’yan?”
“Hay. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Liliane. Halos kaladkarin niya na ako papalabas ng Salazar’s Corp. noon pagkatapos ngayon sunod na naman siya ng sunod sa akin. Ano nang gagawin ko? Gusto ko nang matahimik ang buhay ko. Gusto ko munang tapusin ’yong ipinangako ko kay Evelyn...”
Pilya siyang napangiti bago umupo sa harapan ko.
“Ang drama naman ng buhay mo. Pasalamat ka at ako ang naging bestfriend mo. Alam mo Stacey, isa lang ang solusyon diyan eh.”
“Ano?”
“Komprontahin mo na siya. Tanungin mo kung ano ba talaga ang kailangan niya sa’yo, hindi ’yong parang tanga kayong dalawa na naghahabulan at nag-iiwasan.”
“Paano ko naman gagawin ’yon? Ni hindi mo nga makausap ng matino ’yon eh. Akala mo laro lang sa kanya ang lahat.”
“Hay naku. Ewan ko sa inyo. Well, kung hindi mo talaga siya makausap ng maayos, edi huwag mo na nga namang kausapin pa. Mas mabuti na ’yon.”
Napakunot na lamang ang aking noo nang dahil doon. Kung sabagay pero... Hays. Bahala na nga si Batman. Kung bakit ba kasi kailangan niya pa akong guluhin eh.
“Ah... Stacey... I have a some news for you.”
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Liliane dahil mukhang seryoso siya sa sasabihin niya ngayon.
“Ano ’yon? Tungkol saan?”
“It’s about kuya.”
“Ahh... Oo nga pala, kumusta naman siya roon sa abroad?”
“He’s... Uh... He’s fine. Last week niya pa ako inutusang sabihin sa’yo ’to. Kaya lang, hindi ako makakuha ng tamang tyempo.”
“Ano nga ’yon, Liliane? Para ka namang sira eh. Balak mo ata akong patayin sa suspense.”
“Okay, okay. Ito na. Pero promise me na hindi ka mabibigla sa sasabihin kong ’to ah.”
“Oo na. Ano ba kasi ’yon?” Mas lalo akong naiintriga habang pinapatagal niya pa ang pagbabalita. Humigop muna ako nang kape dahil sa ang bagal niyang magsalita.
“He’s uhm... He’s g-getting married, Stacey.”
Hindi sinasadyang naibuga ko ang hinigop kong kape kani-kanina lamang bago gulat na napatingin sa kanya.
“Seryoso?!”
“Yup... At baka mas magulat ka kapag nalaman mo kung kanino...”
“Sino naman ang maswerteng babae na pakakasalan ng kuya mo?”
“Si... S-Sandra...”
Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti nang dahil doon. Tadhana nga naman. Wala na akong ibang balita kay Sandra bukod sa mga nakikita kong mga commercials niya sa TV. Sa totoo lang, masaya ako para sa kanilang dalawa. Alam kong noon pa hinahabol ni Sandra si Kevin, at maswerte siyang nakatagpo siya ng ganoon katyagang babae. Swerte rin si Sandra kay Kevin kung tutuusin, dahil sigurado akong ituturi siya nitong reyna.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...