Chapter 07 [✔]

215 17 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Biyernes na ngayon at nandito kami sa sala para hintayin si Tito Alex. Ngayon kasi siya uuwi para maihabol ang sahod niya na gagamitin namin sa pamimili ng gamit ni Evelyn.

        Ang bilis pala lumipas ng araw. Hindi ko namalayan na halos mag iisang linggo na pala ako dito sa Maynila. Sa loob ng tatlong araw na lumipas, simula ng malaman kong tanggap ako sa scholarship, wala kaming masyadong ginawa dito sa bahay. Puro pahinga lang kami ni Tita Lourdes. Si Evelyn kasi ay madalas lumabas-labas kasama ang mga barkada niya.

“Gabi na wala pa si Tito Alex mo ah,” nag-aalalang sabi ni Tita Lourdes.

“Baka nag-overtime po.”

“Oh siya. Mauna na kayong kumain ni Evelyn. Ako na lang maghihintay sa kanya. Maaga pa tayong mamimili bukas eh.”

“Sige po. Tatawagin ko na po si Evelyn.”

“Mabuti pa nga, Stacey.”

        Hinanda ko na ang lamesa saka tinawag ang pinsan kong bruha. Naupo naman kaagad ito na parang señorita at nag-umpisa nang lumamon.

“Bakit kaya ang tagal dumating ni Daddy? Excited pa naman ako mamili,” bigla niyang sabi.

        Nagulat naman ako dahil bigla akong kinausap nito. Sabagay, ako lang naman kasi ang kaharap niya kaya no choice siya.

“Ah, baka nag-overtime lang ’yon.”

“Okay.”

        Minsan talaga may saltik tong pinsan ko eh. Minsan masungit tapos minsan kakausapin ka rin naman.

        Nang matapos kaming kumain, nauna na kaming umakyat at natulog ni Evelyn. Naghihintay pa rin si Tita Lourdes sa baba. Hindi ko na nga namalayan na dumating si Tito Alex eh.

**********

        Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto namin. Bumangon ako para tignan ang oras. Alas sais pa lang ng umaga. Ano bang meron? Bigla kong naalala na mamimili pala kami ng mga gamit ngayon. Binuksan ko kaagad ang pinto at tumambad sa akin si Tita Lourdes.

“Bangon na kayo. Mamimili na tayo mamaya. Pakigising na rin si Evelyn ha, Stacey?” utos niya.

“Sige po, tita.”

        Bumaba na rin ito pagkatapos. Kaagad ko namang ginising si Evelyn. Ang bruha, kaya naman pala hindi magising sa mga katok ng Mommy niya ay dahil sa earphones na nakalagay sa tainga niya. Biglaan ko ’yong tinanggal saka nagsalita.

“Evelyn bumangon ka na raw sabi ni Tita Lourdes. Mamimili tayo sa Mall mamaya.”

        Mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas ito nang marinig ’yong tungkol sa Mall. Hay naku. Spoiled talaga.

“Oh my G! Magsha-shopping tayo!”

“Sige na, bumaba ka na at ako na magliligpit dito,” pagboboluntaryo ko.

        Napangiti naman ito sa narinig. Kaagad siyang nagsuklay at dali-dali nang bumaba. Ni hindi man lang nagpasalamat sa akin. Sabagay. Mas maganda na ring ganito kaysa naman nag-aaway kami. Kailangan ko matutong makisama.

        Pagkatapos ko ayusin ang higaan naming dalawa, nagligpit na lang ako saglit ng kwarto bago bumaba.

“Mommy excited na po akong mag-shopping mamaya. Isusuot ko ’yong hikaw na binili natin sa Mall noong Lunes.”

“Ikaw talaga, Evelyn. Nagpabili ka na naman sa Mama mo ah,” Narinig ko ang boses ni Tito Alex.

        Napalingon naman sila sa akin nang makababa ako sa hagdan.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon