Chapter 04 [✔]

246 16 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Tahimik kaming kumakain ng tanghalian nila Tita Lourdes at Evelyn. Hindi nagsasalita si Tita Lourdes simula kanina. Sa halip, itinayo niya lang si Evelyn at pinapasok sa kwarto nito. Tahimik siyang naghanda ng tanghalian katulong ako. Hindi rin niya ako kinakausap kaya mahirap hulaan kung galit ba siya sa akin o hindi.

“Ahem,” panimula niya. “Ano ’yong naabutan ko kanina, Stacey, Evelyn?” tanong niya.

“Si Stacey kasi, Mommy. Tinulak niya ako!” reklamo ni Evelyn.

“Ah... H-hindi ko naman po sinasadya ’yon. Pinagsasabihan ko lang naman po siya,” kinakabahang paliwanag ko.

“Oh siya, ayoko na ulit na may nag-aaway rito. Magbati na kayong dalawa. Mag-sorry kayo sa isa’t isa. Magkakwarto pa naman kayo,” maawtoridad na utos ni Tita Lourdes.

“What?! Hindi mo man lang ba papagalitan si Stacey, Mommy?!” singhal ni Evelyn.

“Tumigil ka na, Evelyn,” pagalit na saad ni Tita. “Magbati na kayo, pwede ba?” dagdag pa niya.

“Ah, sorry Evelyn,” bulong ko.

“My gosh!” bulyaw niya bago padabog na tumayo. Dire-diretso siyang umakyat sa itaas.

        Saglit kaming natahimik ni Tita Lourdes. Hay. Dapat kasi hindi ko na lang pinatulan eh, ’yan tuloy. Pati sila ni tita nag-aaway na.

“Ah tita, sorry po ulit. Hindi ko naman po sinasadya eh,” pagpapaliwanag ko.

        Nagulat ako ng hindi man lang siya nagalit sa akin. Hinawakan niya lang ang kamay ko bago ulit magsalita.

“Ako ang dapat magpasensya sayo, Stacey. Hindi ko kasi napagsasabihan ’yang si Evelyn eh, kaya ganiyan siya. Lumaking may pagkabastos. Pagpasensyahan mo na lang ’yang pinsan mo ha? Alam ko naman ang ugali niya. Madalas binabaligtad niyan ang sitwasyon para hindi ako magalit sa kanya. Kasalanan namin ito ng Tito Alex mo. Masyado namin siyang ini-spoiled,” mahabang lintanya niya.

“Ahh... ayos lang naman po iyon sa akin, tita. May kasalanan din naman po kasi ako. Dapat po ay ’di ko na siya pinatulan.”

“Ah basta, habaan mo na lang ang pasensya mo ha? Ayoko lang siyang pagalitan. Alam mo naman na mahal na mahal ko ’yang anak kong ’yan. Nag-iisa kasi eh.”

“Sige po, tita. Hahabaan ko pa po ang pasensya ko.”

“Salamat.”

        Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi na kami ulit nagsalita. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng tanghalian.

        Kinagabihan, tahimik din kaming kumain. Nakasimangot si Evelyn sa harap ng lamesa kaya hindi na kami nag-abalang dumaldal ni Tita Lourdes.

        Hindi niya kami kinausap hanggang gumabi. Kahit pagpasok ko sa kwarto namin ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Pinatayan niya lang ulit ako ng ilaw at natulog na.

**********

        Kinabukasan, maaga akong nagising. Excited kasi akong makita ang University na papasukan ko. Bukod pa doon, makakagala ako sa Maynila. Ngayong araw na kasi kami mag-eenroll ni Evelyn.

        Pagkatapos namin mag-almusal, naghanda na kami nila Tita Lourdes. Medyo ayos naman na si Evelyn. Pinapansin na niya si Tita Lourdes pero ako, hindi pa rin. Nang makapag-make up na siya, lumabas na kami at inilock na ni Tita Lourdes ang bahay.

“Oh Evelyn, uunahin muna natin i-enroll ang Ate Stacey mo ha? Para alam niya na ang sakayan. Alam mo namang first time niya lang mag-aaral dito. Eh ikaw alam mo naman na ang pasikot-sikot,” saad ni tita.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon