STACEY’s P.O.V.
Excited akong nagbihis dahil pupuntahan ko ngayong umaga sila Kevin at Sandra sa isang restaurant. Umabsent muna ako sa trabaho para makipagkita sa kanilang dalawa dahil pagkatapos daw ng kasal ay may posibilidad na babalik na sila sa ibang bansa. Minsan lang ulit kami magkikita kaya hindi ko na palalampasin pa ito.
Pagkalipas ng mahigit kalahating oras ng byahe papunta sa napag-usapang lugar, nakangiti akong bumaba ng sinakyang jeep bago tuluyang pumasok sa loob ng isang mamahaling restaurant. Mas lalong lumapad ang mga iyon nang makita ko si Kevin, nakaupo sa pang-apatan na lamesa kasama ang babaeng mapapang-asawa niya sa mga susunod na araw.
Wala naman masyadong nagbago sa itsura ni Kevin dahil saglit pa lamang siyang nawala sa bansa. Pumuti lamang siya lalo habang si Sandra naman, ayun, mas lalong gumanda. Mas maganda pa pala siya sa personal kaysa sa nakikita ko sa TV noon.
Nakakaiyak sa tuwa kung paano nila tignan ang isa’t isa dahil kitang kita mo sa mga tinginan nilang iyon ang pagmamahal. Paulit ulit ko mang banggitin pero sobrang saya lang talaga sa pakiramdam na makita si Kevin na ganoon kasaya kasama ang babaeng mahal niya.
“Stacey?” Pasimple kong pinunasan ang mga namumuong luha sa aking mga mata bago ngumiti kay Kevin.
Lumapit ako sa kanilang dalawa na pareho namang nakangiti sa akin ngayon. Nang tuluyan na akong makalapit ay pansin kong suot ni Sandra ang mamahaling bracelet na ibinalik ko kay Kevin noon. Totoo nga, ginawa niya ang sinabi ko.
“Hi... K-kamusta ka na?” Hindi ko alam kung bakit ako nauutal.
Imbes na sumagot, ngumiti lamang siya sa akin bago yumakap ng mahigpit.
“I missed you, Stacey. Salamat kasi kung hindi dahil sa’yo, hindi kami magkikitang muli ni Sandra.”
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Nginitian ko si Sandra na ngayon ay mukhang bumait na. Siguro ay nag-matured na rin siya dahil sobrang tagal na ang panahong nakalipas.
“Walang anuman. Sabi ko naman sa’yo eh. Mahahanap mo rin ang babaeng para sa’yo.”
“I’m very greatful of having you as my friend. In fact, invited ka sa wedding namin. Pati sila Tito Joey at Kean. Isama mo na rin si Evelyn.” Bahagya akong napatawa dahil doon.
Binati ko si Sandra at ganoon rin naman siya sa akin. Maya-maya pa, naupo na ulit silang dalawa pati ako para umorder ng makakain. Nagkwentuhan lamang kami tungkol sa kung ano-anong mga bagay habang nagpapakabusog.
“So, kamusta na kayo ni Dwayne, Stacey?” biglang tanong ni Kevin na ikinagulat ko naman.
“K-kami? Uh... Umalis na ako sa Salazar’s Corp. Mga ilang linggo na rin.”
“Why?” Bahagyang napakunot ang kaniyang noo.
“Huwag na lang nating pag-usapan.” Mapakla akong napangiti sa kanya.
“Okay. I’m sorry. I excuse myself. Pupunta lang ako sa comfort room.”
Tumango lamang ako sa kanya. Humalik siya sa noo ni Sandra bago tuluyang naglaho sa aming paningin.
“Stacey...”
Napatingin ako kay Sandra nang bigla niyang tawagin ang aking pangalan.
“Y-yes?”
“I’m sorry. I’m sorry for everything that I’ve done to you before... My gosh... I was so immatured back then and... So in love.”
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...